Chapter 21- The Reconciliation

227 8 6
                                    

|SUNDAY|9:00AM|

TONI's POV

Bumangon ako sa kama. Tinignan ko agad ang cellphone ko.

Lagi kasing nagtetext sa'kin si Nicko ng good morning.

Pero ngayon wala.

Tumayo ako at kumain ng almusal.

Gusto kong mamasyal, gustong kong umalis ng bahay. Kasi kung magstay ako dito iisipin ko lang ng iisipin yung nangyari kagabi.

Naligo ako at nagbihis.

Lumabas ng bahay at sumakay ng bus.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

.

.

.

Makalipas ng isa't kalahating oras naisipan kong pumunta ng Luneta.

Maglalakad lakad at mag-iisip isip.

Baka sakaling makatulong 'to sa akin.

|1:00PM|

Nagugutom na ko. At gusto ko nang kumain.

Habang naglalakad...

May nakasalubong ako...

"Ate, Ate, nakita mo po ba ang Mommy ko?"

Tanong sa'kin ng bata habang umiiyak.

Naawa ako at tinanong ko siya kung saan niya huling nakita ang Mommy niya.

Maliit pa yung bata siguro nasa

4-5 years old lang yun.

"Kay Rizal po"

Agad na sagot salin ng bata.

"Ahh.. o sige tahan ka na at hahanapun natin ang mommy mo."

"Gusto mo kain muna tayo"

Pinakalma ko muna siya at inaya ko siyang kumain.

Pumayag naman siya.

Habang kumakain...

Hindi ko maiwasang titigan ang bata. Para kasing ang gaan ng pakiramdam ko sa batang 'to.

Para kasing may kamukha at para yung mukha niya ay pamilyar.

Tinanong ko siya

"Bata anong pangalan mo?"

"Ako po si Mari"

Agad naman niyang sagot.

Napangiti ako kasi kapareha siya ng pangalan ko.

"Ayy... talaga! Alam mo ba Mari din ang pangalan ko. Maritoni ang buo kong pangalan"

Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hindi na siya umimik ngumiti na lang din ang bata.

"O sige tapusin mo na yang kinakain mo para mahanap na natin ang Mommy mo"

Tumango lang siya sa akin at tinuloy niya ang pagkain niya.

Matapos ang ilang minuto ay naglakad na kai para hanapin ang mommy niya.

Habang naglalakad ay bigla siya may nakitang nagtitinda ng lobo. Tuwang tuwa siya sa nakita niya.

Naalala ko tuloy si Kate, mahilig din siya sa lobo nung mga bata pa kami, kahit nung high school na kami kapag umaattend kami ng party na magkasama ay nanghihingi talaga siya ng lobo.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon