Chapter 25- The Bout

257 5 4
                                    


After 3 days...

TONI'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas ngunit iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Kate.

Hindi rin tumigil sa panliligaw ang dalawa.

*SA SCHOOL*

1 PM|FACULTY OFFICE

Nagmamadaling nag-ayos si Toni ng kanyang sarili, dahil may klase na siya. Nag-ayos lang siya saglit at umalis na.

Hindi niya na naisara ang bag niya at nakalimutan na rin niyang ipasok ang cellphone niya sa kanyang bag.

NICKO'S POV.

Pumasok ako sa Faculty hinahanap ko si Toni may itatanong kasi ako aa kanya.

"Walang tao, mukhang may klase lahat sila"

sinabi ko sa sarili habang papalabas ng faculty office.

Nang biglang narinig akong may narinig na nagring.

Bumalik ako para tignan.

Cellphone ni Toni.

*1 new text message*

Kitang kita ko sa screen ang message ng Marko na 'to!

At eto ang nakalagay...

"Toni, alam mo na sigurong si Marko 'to. Magkita tayo! Gusto sana kitang makusap. Kahit hindi ka magreply maghihintay pa rin ako. 7:00PM sa may Bridge sa Baywalk"

Talagang sinusubukan ako nito.

Inisip ko agad na pumunta doon, kung mababasa man 'to ni Toni kailangan ay mauna ako sa kanya.

Lumabas na ko nabadtrip ako sa nabasa ko.

Pumasok ako sa opisina ko, tinitignan ko ang pagkilos ng kamay ng orasan, kung mababasa man yun ni Toni. Sigurado akong hindi niya matitiis si Marko.

Sobra na 'tong Markong 'to pinaglalaruan niya si Toni. Galit na simasabi ng isip ko.

*AFTER 5 HOURS*

Hindi na ko magdalawamg isip, umalis na ko agad bago pa makabalik at mabasa ni Toni ang message ni Marko.

Kinuha ko kaagad ang susi ng kotse labas na ko ng school at dali-dali akong umalis.

.

.

.

*AFTER 1 HOUR

BAYWALK|6PM

Bumaba ako ng kotse, tinatanaw ko si Marko pero 'di ko siya makita. Siguro sa mga oras na 'to ay nabasa na ni Toni ang message ni Marko.

Nagring ang cellphone ko.

"NASAAN KA? Nicko! Umuwi ka na 'di ako pupunta, 'di ako nagreply hayaan mo na siya"

Text sa'kin ni Toni. Di na ko nagreply.

Mga ilang minuto lang ang hinintay ko at nakita ko na si Marko.

Bumaba na siya ng motor.

Lumapit ako...

"Marko! Sinong inaantay mo?"

Agad kong tanong sa kanya. Gulat na gulat si Marko. Parang 'di niya ko inaasahang makita don.

"Si Toni. Bakit? Magkikita kami! Hanggang dito ba naman sinusundan mo kami?"

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon