Chapter 20- The Rumble

266 4 1
                                    

||Chapter 20- The Rumble||

*Toni’s POV*

Huminto ang kotse…

Isa lang ang ibi sabihin nun…

Nandito na kami…

Kinakabahan ako…

Binuksan na ni Nicko ang pintuan ng kotse.

“Tara na, Toni ko!”

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa Hotel.

Sinalubong agad ako ni Carmi, isa sa mga close friend ko.

At isa rin siya sa mga organizer ng event na ito.

Sunod na bumati sa’kin ay si Dalyn, ang aming class salutatorian.

Grabe. Dalawa pa lang yan sa mga namiss kong kaibigan.

Hinahanap ko si kate, pero ‘di ko siya makita siguro ay hindi siya pupunta.

May kumalabit sa’kin, nagulat ako. Akala ko kung sino.

Si Marko…

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano kaya ang magiging reaksyon niya.

May kasama akog iba…

“Pre, Nicko. Mr. Nicko Andrada, Co-teacher ni Toni”

Agad na bumati si Nicko kay Marko, at inabot nito ag kanyang kamay.

Kinamayan siya ni Marko.

“Ah, sige Marko punta na kami sa table. San ka ba”

Agad kong tanong sa kanya.

“Ahh… table 29”

Agad niyang sagot sa’kin.

“Ah… tara parehas tayo.”

Gulat na gulat kong sagot sa kanya.

Sabay na kaming pumunta sa table namin.

Hinawakan agad ni Nicko ang kamay ko, nahahalata siguro niyang kinakabahan ako sa nangyayari.

*HABANG NASA UPUAN*

Nagsalita na ang mga Master of Ceremony.

Nakakamiss ang high school. Grabe!

Maraming mga slide show presentation, games at kung ano-ano pa.

Tinawag na ako for my speech.

Dahil ako ang class Valedectorian ay kailangan kong mag-speech.   

Marami akong ibinahagi tungkol sa pag-aaral at sa trabaho ko ngayon.

Patapos na sana ako nang humirit ang mga host.

“Kamusta na ang love life mo Toni?”

Tumingin ako kay Marko. At sabay sabing…

“Masaya! Sobrang saya!

Nagsigawan ang mga batchmates ko.

“Move -on na si Cruz!”

May sumigaw na isang ka-batchmate sabay nagtawanan

Alam na alam nila ang story ng love life ko, trending na trending ang love triangle naming noon.

Bumaba na ko mula sa stage at tinapos na rin ng mga host ang program at nag-umpisa na ang sayawan.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon