Chapter 35- The Last Song

422 15 9
                                    

[After One Year]

Toni's POV

Isang taon na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Simula noon hanggang ngayon hindi ako pumapalyang dalawin si Nicko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. 

Minsan ay bigla na lang papatak ang mga luha ko kapag naaalala ko siya, hindi ko maiwasan balik-balikan ang mga masasayang memories kasama siya.

Ibang klase talaga kasi si Nicko. Siya yung lalaking 'di mo talaga malilimutan!

•9:00 AM• December 2015•

Isang panibagong umaga ang bumungad sa akin.

Panibagong araw...

Panibagong buhay...

buhay na wala ang nag-iisang lalaking nagbalik nang sigla ng puso ko.

Bumangon ako sa kama, lumabas ng kwarto dumeretso sa banyo naghilamos at nagsipilyo.

Dumeretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

Pinuno ko ang tiyan ko. Kumain ako ng marami sa almusal.

Iniintay na niya ko.

Oo, si Nicko malamang nga naiinip na yun. Madalaa ko siyang puntahan.

Minsan ako lang, minsan naman ay kasama ko si Marko.

Hindi naman siguro masamang sumubok ulit magmahal...

Pero isang taon na ang lumilipas hanggang ngayon ay walang malinaw pa sa akin ni Marko. Pero lagi na siyang pumunpunta rito, lagi laming nag-uusap.

Pero, hindi niya pa siguro kayang magtanong patungkol dun, dahil alam niyang fresh pa sa alaala ko si Nicko.

Kung ako ang tayanungin, Ok lang din naman. Oo, madalas ko siyang maalala pero ayoko naman makulong sa lungkot habang buhay.

•After 1 hour•

"Ma! nandiyan na po si Marko, aalis na po ako pupunta lang po ako kay Nicko"

Paalam ko kay mommy.

Lumabas ako ng bahay, naroon siya nakaabang sa akin.

sumakay ako at dali-dali niya pinaandar ang kanya motor.

siguro ay 20-30 mins. mula sa bahay ay nandun na kami kay Nicko. Medyo malapit lang din naman.

"Tara?" Tankng sa akin ni Marko.

"Tarasagot ko namang agad sa kanya. May kasama pang smile

°After 25 mins°

Bumaba kami ng motor, agad akong tumakbo at pumunta sa puntod ni Nicko...

"Hi Nicko, kamusta ka na? ako eto namimiss ka na?"

"Siya nga pala, Nicko, kasama ko si Marko."

"Alam mo Nicko, lagi kong naaalala yung mga sinabi sa akin sa sulat"

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon