Chapter 32- The Broken Hearted Girl

188 4 1
                                    

|TONI's POV|

"It's been three months. Four days and Seven hours."

Iyan ang eksakto bilang ng mga buwan, araw at oras na wala si Nicko sa tabi ko.

Alam mo yung handa na lahat, maayos na sana e. Isusuot ko na lang yung gown, ibibigay ko na lang yung invitation.

Pero 3 mos. na yung lumipas, pero wala pa rin siya.

Lagi na lang ba kong ganito? Lagi na lang ba kong aasa?

Nakatadhana na lang ba kong masaktan at magung mag-isa.

Wala na ata akong karapatan para sumaya.

|SEMBREAK|9:00 A.M|TONI's HOUSE|

Isang araw na naman ang lilipas. Halos hindi na ko makilala sa kapayatan ko. At laging ng mugto ang mata ko.

Lumabas ako ng kwarto, pinaghanda ako ng mommy ko ng pagkain.

"Anak, kumain ka ng marami ah"

Niyakap ako ng mommy ko, ramdam na ramdam niya ang emosyong meron ako ngayon. Hindi niya ako pinapagalitan.

Lagi lang siyang nandiyan para i-comfort ako.

Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit.

"Mommy, thank you! The best ka talaga"

First time kong naubos ang pagkain ko.

Ngumiti ako kay mommy.

After kong kumain napag-isip isip kong lumabas i-treat ang sarili ko baka sa sakaling marelax ako at makalimutan ko panandalian ang sakit na nararamdaman ko.

Nagpunta ako ng mall, medyo malapi lamg sa amin kaya nilakad ko na lang.

*habang naglalakad*

Lutang na lutang ang isip ko.

Hindi ko talaga makalimutan si Nicko.

Ang daming mga bagay na nagpapaalala sa'kin kay Nicko.

Tuloy tuloy lang ako nang paglakad.

Humigit kumulang 15 mins.

Nakarating ako sa pupuntahan ko.

Namasyal ako, nagpalakad lakad sa mall.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta tumigil ako sa isang kainan.

Umorder ako ng fries. Paborito kasi ni Nicko 'to. Ang weird nga ng ginagawa niya kasi hindi ketchup ang sawsawan niya.

Sa Caramel fudge niya dini-deep yung fries.

Nang unang ko siyang makitang ginawa yun, naweird-an ako sa kanya.

Pero sinubukan ko masarap naman pala.

Umupo ako.

Bumili rin ako ng fudge.

Mag-isa na lang ako 'di tulad ng dati.

Para pa ngang nang-iinggit pa ang panahon.

Nakakita pa ko ng lovers. High schoolatudent pa ata 'tong mga 'to.

Ganun din yung pagkain nila. Parehas silang nakangiti, masaya at nagtatawanan at ang sweet pa nila sa isa't-isa.

Hindi ko maiwasan maiyak sa pangyayari.

Para na naman akong baliw. Umiiyak mag-isa.

"Kasi naman eh! Nicko nasaan ka na kasi eh!"

Napasigaw akong bigla. Nagtinginan lahat ng tao sa akin.

*AWKWARD*

Pinunasan ko ang mga luha ko. At agad akong umalis sa fast food store na 'yon.

Mabilis akong naglakad, hindi matapos ang iyak ko.

Ang bigat sa pakiramdam, akala ko kasi eto na eh! Yung feeling na masayang masaya ka sabay bigla ka na lang iiwan sa ere.

"Ang sakit diba?"

Lumabas ako ng mall. Ang lakas ng ulan. Wala akong dalang payong.

"Ano ba yan December na naulan pa rin"

Kausap ko ang sarili.

Hinayaan kong pumatak ang ulan sa aking ulo pababa sa aking mukha

Maitago man lang ang mga luha sa mga mata ko.

Napatigil ako sa isang tabi, hindi ko na inisip ang mga nakakakita sa akin. Wala na akong pakialam.

Hindi na ako 'to, hindi na si Toni ang nakatayo dito.

Nabalot na ko ng lungkot at sakit. Nawala na yung kalog at makulit na Toni. Parang pinatay na ko ng sakit na nararamdaman.

Parang ang ulan na lang ang karamay ko sa lungkot at saya.

Nasa ulan ba ang Forever?

Wala pang ilang saglit. Huminto ang isang motor sa harapan ko.

Kinuha niya ang payong at pinayungan ako.

Humagulgol ako ng iyak.

Alam kong si Marko ang taong ito.

Hindi niya ko pinabayaan.

Matiyaga siya sa pagsama sa akin.

Pero sa mga panahong 'to, gusto kong mapag-isa.

Hinubad niya ang helmet.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong ko kay MARKO.

Binalik niya ang tanong niya sa akin.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito? Magpapakamatay ka na ba? Paano 'pag dumating si Nicko tapos ikaw naman ang wala"

Lumakad ako iniwan ko siya.

"Iwan mo na ko gusto kong mapag-isa"

Humihikbi kong sabi sa kanya.

"Baliw ka na ba? Gusto mo bang magkasakit?"

Agad na sagot sa akin ni Marko.

"Wag mo kong pakialaman, umalis ka na! Diba lahat kayo iniiwan ako. Ikaq diba iniwan mo rin ako"

"Pare-parehas lang kayong lahat!"

"Nangangako kayo sa umpisa, pero hindi niyo tinutupad! Mga paasa kayong lahat!"

Sagot ko kay Marko.

Hindi pa'rin siya tumigil sa kasusunod sa akin.

Hinatak niya ang kamay ko.

"Toni, ano ka ba! Umuwi na tayo"

Agad na sabi sa akin ni Marko.

Pilit kong ibinibitaw ang mga kamay ko sa kanya. Pero malakas siya at pursigido siya talagang maiuwi ako.

Sinuntok suntok ko siya.

"Mga manloloko kayo"

"Mga paasa"

Paulit-ulit kong sinasabi 'to sa kanya. Niyakap niya ko nang mahigpit at sinabi niya...

"Tama na Toni, pagod ka na kailngan mo nang umuwi at magpahinga"

Isinakay ako ni Marko sa motor at hinatid niya ko pauwi.

|Toni's HOUSE|

"Mainit ka Toni"

Agad na binuhat ako ni Marko

Ipanasok niya ako sa kwarto , agad na kumuha si mommy ng gamot at pamalit kong damit.

Alalang alala si mommy.

Pati si Marko.

Inabot na sila ng madaling araw kababantay sa akin...

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon