Chapter 12 & 13 (The Parting Time/ The Present)

348 8 0
                                    

 CHAPTER 12

 The Parting Time

Sa wakas March na, Lumipas na ang isang buwan.

        Busy ang buwan na ito para sa aming mga graduating students, doon sa mga buwan na iyon kung saan para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko, nagsikap ako at binuhos ko ang lahat ng oras at panahon ko sa pag-aral kahit nakikita ko sila araw-araw ay pinilit ko ang sarili kong huwag magpaapekto sa kanila. Kaya salamat sa Diyos at nagbunga ang lahat.

Magtatapos akong Class Valedictorian ng aming klase.

Ilang buwan matapos ang aming graduation. May mga nagbalita sa akin na hanggang sa kami ay mag-kolehiyo ay nagpatuloy ang kanilang relasyon.

May mga kaibigan din kami ni Kate na nagkwento kung anong nangyari noong Christmas vacation, talagang sinadya raw ni Kate na gamitin ang pagka-miss ni Marko sa akin noon at walang ibang kausap noon  si Marko kung hindi si Kate lamang. Sa mga panahong wala ko, doon sila gumawa ng love story nila. Iilan lang ang impormasyong nakuha ko, malabo pa rin sa akin ang lahat dahil hindi ko na pinakinggan ang mga paliwanag nila na alam ko namang puro kalokohan lang.

Kahit nagmamatigas ako ay hindi pa rin tumigil si Kate at Marko sa paghingi ng sorry sa akin, minsan ay pinupuntahan ako ni Marko sa bahay minsan naman ay si Kate pero sinasabi ko na lang kay mommy na kapag hinanap nila ako sabihin na lang niya na wala ako.

Ilang buwan din ang tuloy-tuloy nilang pangungulit noon  sakin pero talagang pinatigas ng sakit na pinagdaanan ko ang puso ko talagang hindi umubra ang pagmamakaawa nila sa akin hanggang sa tumigil na sila.

Nasa kolehiyo na ako noon noong nasabi ko sa sarili kong “salamat na lang at tapos na ang kalbaryo ko”. Natapos na ang lahat lahat, tapos na ang pagkakaibigan namin ni Kate kasabay ng pagtapos ng relasyon namin ni Marko.

Maraming nanliligaw, nagpaparamdam at nagpapapansin sa akin noon pero hindi ko sila pinaunlakan, natakot na ata ako magmahal ulit kaya sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral, mula noong highschool ako hanggang kolehiyo puro pag-aaral na lang ang inatupag ko.

CHAPTER 13     

The Present

July 17, 2014.

Anim na taon na ang nakalilipas.

Marami pa rin akong nababalitaan tungkol sa kanila hindi naging masaya ang pagsasama nila at humantong ito sa hiwalayan hindi sila kasal ngunit may isa na raw silang anak.

Si Marko tinuloy niya ang hilig niya sa pagkanta, kaya ngayon ay lead vocalist na siya ng isang ‘di-kilalang banda.

Si Kate naman ay nakatapos ng HRM at ngayon ay receptionist daw sa isang hotel. Ako eto tinuloy ko na ang hilig ko sa pag-aaral ngayon ay teacher na ako sa isang maliit na private school hanggang ngayon single at naghihintay ng isang lalaking magmamahal sa akin ng tunay yung hindi ako lolokohin. Para bang natakot na kong magmahal ulit 6 years na pero parang fresh pa rin ang lahat.

            Sa tuwing umuulan, hindi ko mapigil ang sarili kong lumuha. Tumitingala ako sa langit at hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga eksena nagpakilig at nagbigay pasakit sa akin.

I will never forget that day.

Kaya pala ganun na lang ang reaksyon ni Kate sa tuwing binabanggit ko sa kanya si Marko. Doon pala sa ilang linggong nawala ako doon pala nag-umpisa ang panloloko nila sa akin ginamit ni Kate ang lahat ng nalalaman niya patungkol kay Marko para mapaibig niya ito. Kaya pala naging ganun si Marko sa akin noong mga panahong iyon dahil may iba na pala siyang mahal at bestfriend ko pa!

  I guess God made a divine intervention that time. He made me realize my mistake in choosing that guy. I still like the rain and I will welcome any rain to come into my life. I have the courage and the strength to face it now.

        Naglalakad ako pauwi galing school. May nakasalubong akong lalaki, parang pamilyar ang tindig, mga mata niya pati ang bibig parehong-pareho ng kay Marko. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya tinuloy ko ang lakad nang biglang...

.

.

.

.

.

Pumatak ang malakas na buhos ng ulan.

Habang unti-unti akong nababasa ng malalaking patak ng ulan biglang sumagi sa isip ko ang mga tanong na ito. Ano kaya ang sasabihin sana sa akin ni Marko bago ako noon umalis? Kung pinakinggan ko kaya ang paliwanag niya 

Kami pa rin kaya hanggang ngayon?

Mula noon hanggang ngayon iyan yung mga tanong na gusto kong masagot mula kay Marko.

                                                                             THE END

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon