Chapter 27- The Closure

194 3 2
                                    


|MARKO's POV|TWO WEEKS LATER|

Matagal tagal ko na ring hindi nakikita si Mari, kaya dalawin ko na rin.

Pero hindi ko siguro masusunod yung sinabi sa'kin ni Toni na buksan ko ulit yung puso ko para kay Kate.

Mahirap kalimutan ang babaeng tulad ni Toni.

Kaya nga 'di ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko siya niloko.

Talaga sigurong nasa huli ang pagsisisi.

.

.

.
|KATE's House|

Kumatok ako sa pinto. Si Kate ang nagbukas.

"Ui, Kate. Si Mari?"

Bungad ko sa kanya.

"Ah... nandito sa loob pasok ka"

Pumasok ako, sinalubong ako ng anak ko.

Grabe nakakawala nang pagod.

"Ahhh... Marko may sasabihin nga pala ko sa'yo"

"Ikaw ang gusto kong unang makaalam nito"

Nagtataka ko. Bigla aiyang naging seryoso.

"Ano yun?"

Tanong ko kay Kate.

"Aalis na ko Marko"

"Isa ko sa mga napiling ipadala sa Europe, yung branch ng hotel na pinagtatrabahuhan ko dito"

Pabiglang sabi sa'kin ni Kate.

Hindi ako nakapagsalita.

Nagulat ako sa binalita ni Kate.

"Paano na ko?"

"Paano kami ng anak ko?"

Agad kong sabi kay Kate.

Ilang minutong nagkaroon ng katahimikan.

Parang hindi alam ni Kate ang sasabihin niya.

Lumapit siya sa'kin.

Niyakap niya ako. Nagulat ako.

.

.

.

"Marko, sumama ka sa'kin."

"Mag-umpisa tayo ulit ni Mari"

"Buoin ulit natin ang pamilya natin"

Bumitaw ako sa yakap niya.

"Hindi pwede"

"Hindi na pwede"

"Hindi na natin pwedeng ipilit pa 'to Kate"

Agad na sabi ko sa kanya.

"Si Toni ba?"

Tanong niya sa akin.

"Wala na kong pag-asa sa  kanya Kate. May mahal na siyang iba, pero sorry. Hindi ko na nakikita ang sarili kong may iba pang kasama"

Sagot ko naman sa kanya.

Umiiyak si Kate.

Ilang sandali siyang tumahimik.

Lumapit akong muli sa kanya.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon