Chapter 8 (The Secret)

350 10 0
                                    

CHAPTER 8

The Secret

December 21, 2007

Christmas party last day na ng aming pagpasok sa school, at syempre gaya ng nakasanayan ay umuuwi kami ng Batangas ng buong family ko to spend Christmas and New year kasama ang ibang relatives ko.

Masayang natapos ang araw na iyon kasama ang aking bestfriend at si Marko dahil nasa isang section lang kami. Pero yun pala yung huling beses na ngingiti ako na matititigan ko si Marko at masasabi kong ako lang ang nasa puso niya.

Parang balisa si Marko noong mga panahong iyon, sa kabila nang kasiyahan hindi siya mapakali at para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi, nagtataka ako kung bakit siya ganun pero hindi ko na pinansin yun dahil ayokong mag-alala dahil after ng party ay aalis na kami ng parents ko papuntang probinsya,

"Sama na lang kaya ako?"

banat sa akin ni Marko,

"Ano ka ba? Mas ok kung kasama mo ang Ate mo sa mga ganitong okasyon no"

Hindi na siya umimik at para talagang may gusto siyang sabihin sa akin pero para mas ginusto na niyang huwag na lang itong sabihin.

Almost 3 weeks ang Christmas vacation namin, talagang sinulit namin ng pamilya ko ang pamamalagi namin sa probinsya kasama ang iba pa naming kamag-anak.

Sa mga unang linggo hindi napapatid ang pag-tetext ni Marko sa akin halos lahat ng kilos at galaw niya ay sinasabi niya sa akin, pero unti-unting nawala iyon makalipas ang unang dalawang linggo, Nagtataka na ko at nag-aalala bakit hindi na niya sinasagot ang mga text ko tumatawag ako pero hindi na rin niya sinasagot.

Hindi ako nag-isip ng kahit anong masama ni hindi ako naghinala sa kanya.

Para mawala ang pag-aalala ko at ka-praningan ay nagbukas na lang ako ng Friendster account ko bumungad sakin ang new uploaded photo ni Kate, edited pa by Picnik.com dalawang kamay magka-holding hands nagulat ako at syempre natuwa na rin ako dahil finally may BF na ang bestfriend ko akala ko forever na lang siyang makikinig sa love strory namin ni Marko, dali-dali akong pumunta sa account niya para bigyan siya ng testimonial...

"Bhesy!Congrats, I'm happy for you".

Lumipas ang mga araw at matatapos na rin ang Christmas Vacation malapit na rin kaming umuwi ng Manila pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na text mula kay Marko ni "ha" ni "ho" wala.

Siguro sadyang mabait lang ako at hindi ako mahilig mag-isip ng kung anu-ano, hindi ko man lang siya pinag-isipan ng masama at laging positibo lang ang iniisip ko.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon