Chapter 4 (The Discovery)

430 10 1
                                    

           

Chapter 4

The Discovery

Isang biyernes, 2nd periodical namin noon, maaga akong pumasok para magreview hinanap ko agad siya pero hindi ko siya makita, nagtaka ako kasi kung kailan examination saka aabsent, nag-alala ako tintext ko siya pero hindi siya sumasagot.

Buti na lang half-day kami kasi exam, hindi na ko nag-aksaya ng oras na pumunta sa kanila. Kumatok ako at pinagbuksan ako ng isang babae medyo may edad na, tinanong niya ako

“Sino po sila?” agad naman akong sumagot at nagtanong ng may pag-aalala

“Ah, ako po si Toni kaibigan ni Marko, nandiyan po ba siya?”

Agad naman sumagot ang babae

“Ay, Oo nandito siya may sakit, wala ngang nag-aasikaso sa kanya dito, hindi ko rin naman siya matutukan dahil marami ring gawain bahay, ibinilin lang ng Ate niya yan sa akin na bantay-bantayan ko raw”

Agad akong pumasok, hindi na ako nahiya pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siya nakabalot ng kumot lamig na lamig at parang wala na sa sarili, nagpakuha agad ako ng gamot at ice bag para maibsan ang init ng katawan niya, naglakas loob na rin akong pumunta sa kusina para maghanap ng ready to eat noodles para magkalaman ang kanyang sikmura. Halos apat na oras ko siyang binantayan at noong medyo nakikita kong ok na siya ay umidlip ako sandali sa tabi niya.

“Salamat”

        Iyan ang sabi niya habang ako ay naalimpungatan sa pagkilos niya at pag-upo sa kama. Tinanong ko agad siya kung nasaan ang mommy at daddy niya para mag-alaga sa kanya, doon na niya sinabi ang lahat lahat broken family sila at tanging ang ate na lang niya ang kasama niya sa bahay, yung tatay niya sumama na sa ibang babae at yung nanay naman niya nagtatrabaho sa Dubai.

Doon nabuksan yung isip ko kung bakit suplado at sobrang tahimik si Marko, doon ko rin siya nakilala ng lubos. Ngayon mas naiintindihan ko siya kasabay nito ang paglalim ng pagtingin ko sa kanya.

Tapos na ang exam at nakabalik na rin si Marko sa school, magaling na siya at bumalik na rin ang dati niyang sigla. Lunch Time na at hindi katulad ng dati na may

“Oplan agawan ng upuan si Marko Del Rosario”

Ngayon sabay na kaming pumupunta at kumakain sa canteen. Iba na talaga, ibang-iba na...

Habang kumakain kami naalala ko yung sinabi niya sa’kin na

“Ayoko dito”,

Tinanong ko siya kung bakit niya nasabi sa akin yun, nagulat at natigilan ako sa sagot niya

“Ngayon hindi na”

Nagtaka ako bakit bigla na lang nag-iba ang mood niya, Teka rewind natin, Habang sinasabi niya sa’kin unti-unti siyang tumingin sa’kin mula sa kinakain niya at sinabi niya

“Ngayon hindi na”

Asyumera lang ba ako o mabilis lang akong maka-gets na dahil ba sa akin kung bakit ngayon gusto niya na sa school, halos di ako makagalaw naninigas ako at halos mabitawan ko yung kutsarang hawak ko sa narinig ko. Iyon yung mga punto na sinabi ko sa sarili ko na na-iinlove na ko sa kanya.

Hindi ko alam kung nakukulitan na ba sa akin ang bestfriend ko o naaasar na siya dahil wala na akong ibang topic na kinukwento sa kanya kundi puro si Marko na lang, lagi niyang sinasabi na

“Kilala mo na ba talaga yan?”  “Di mo nga alam kung sino siya Toni”  “Kilalanin mo muna siya ng mas maigi Toni”

         Ayan ang laging litanya ng bestfriend ko sa akin ang kilalanin muna si Marko alamin ko muna raw kung sino talaga siya, nagtataka ko kasi parang ngayon lang siya  hindi naging excited sa mga kinukwento ko, pero para sa akin sapat na yung isang araw na ibinahagi niya ang lahat lahat para malaman ko kung sino ba talaga siya.                                  

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon