Chapter 22- The Two Men

212 4 3
                                    

 

 

|Sunday| 5:00PM|

 

Nicko’s POV

 

Unang-unang beses kong lalabas ng kwarto.

Mula umaga hanggang sa oras na ito ngayon pa lang ako masisilayan ng mga kasama ko sa bahay.

Namumugto ang mga mata ko. At hindi nawawala sa isip ko ang mga nangyari noong mga gabing iyon.

 

“Ang sakit, sobrang sakit talaga”

 

“Hindi pa ko nagmahal ng ganitong katindi.”

 

Lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad.

Para makapag-isip isip.

Naisipan kong pumunta ng simbahan. Pumunta ako ng Alabang.

Para Humabol sa isang service sa isang church.

Mula paumpisa hanggang sa mensahe patungkol sa brokenness ang topic.

Isa sa mga ‘di ko malilimutang sinabi ng preacher.

 

“Mahalaga ang oras, para maghilom ang mga sugat ng nakaraan”

 

“Kung sa tingin nating yung mga sugat na ‘yon ay maaari pang mahilum. Huwag nating sukuan”

 

“Dahil kung tunay na pagmamahal iyan. Hindi dapat sakit ang mararamdaman.”

 

Tagos! Baon! Parang intensyunal ang lahat ng mga sinsabi nang nagsasalita sa harapan.

Luminaw ang isip ko.

Oo, nasaktan ako pero hindi ibig sabihin nun ay susuko na ako.

Nakikita ko na si Toni bilang magiging ina ng mga anak ko.

Ang makakasama ko sa pagtanda at ang taong kasama ko hanggang kamatayan.

Palilipasin ko lang ang sakit. Pero hindi ako susuko, babalik ako sa panliligaw magsisimula ulit ako ng panibago. 

Siya na walang iba. Wala na talaga iba.

 

Marko’s P.O.V

 

|Sunday|5:00PM|

 

Pabalik na ko sa bahay namin, wala kasi si Mari sa bahay nila sinama daw ni Kate at namasyal papuntang luneta.

Naisip ko bigla si Toni.

Masaya ako sa mga narinig ko dun sa reunion.

Nagkaroon ako ng pag-asa. May laban ako, mahal ako ni Toni.

Hindi ko lang alam kung sigurado pa nga ba siya sa nararamdaman niya sa akin.

Pero, hindi pa rin ako susuko. Malakas ang laban ko.

Gagawin ko lahat mapasagot lang ulit siya.

Babalikan ko ang mga panahong sinusuyo ko noon si Toni, 6 years ago...

Gagawin ko ulit o hihigitan ko pa.

Hindi ko na sasayangin ang mga pagkakataong ito, hindi ko na rin sasayangin yung mga salitang narinig ko noong mga gabing iyon.

 

“Ako lang ang dapat na nasa puso ni Toni, Ako lang at wala nang iba.”

 

“Hindi ako susuko, Gagawa ako ng paraan”

 

“Lalaban ako anuman ang mangyari

 

“Hindi ko siya isusuko”

 

 

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon