Chapter 2- The Rainfall

501 13 1
                                    

Chapter 2

The Rainfall

Mga ilang buwan pagkatapos ang lahat ng mga pangyayaring iyon nang bigla na lang bumaliktad ang pagkakataon.

Tapos na ang klase.

Medyo late na rin kasi may C.A.T kami, nasa labas na ko ng campus  nang bigla na lang bumuhos ang malakas na patak ng ulan, hinanap ko kaagad si Kate, pero di ko na siya makita siguro ay sinundo na siya ng daddy niya,

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa tindahan sa harap ng aming school medyo nababasa ako dahil pumapatak sa’kin yung tubig galing sa dulo ng yero ng tindahan, halos maitapon ko na lahat ang laman ng bag ko pero hindi ko talaga makita ang payong ko, siguro sa pagmamadali ko kanina ay naiwan ko sa bahay.

Tatlumpung minuto na ko sa tindahang ‘to imbis na humina lalo pang lumakas ang buhos ng ulan, wala akong magawa kaya tinaas ko yung kamay ko para sahurin yung patak ng ulan.

Nagulat ako biglang nawala yung mga patak pero ang lakas pa rin ng ulan tumingin ako sa kaliwang banda ng kinatatayuan ko at bigla ko na lang siyang nakita may dala siyang payong at sinasabi ng mata niya na sumukob ako...

tara na at umuwi na tayo.

 Hindi siya nagsasalita pero alam ko na ayun yung nais niyang sabihin.

Hindi ako nakapagsalita nagulat ako, kinikilig ako ewan basta halo-halo ang nararamdaman ko. Sa wakas makakauwi na rin ako at hindi ko na kailangan pang hintayin na tumila ang ulan at may bonus pa si Marko ang kasabay ko pauwi.

 Habang naglalakad kami sa ulanan hindi siya natitinag at parang hindi siya nangangalay na payungan ako,

“Saan ka ba?”

Oh my! Atlast after 100 years nagsalita na rin siya,

para akong nabibingi hindi ko alam ang isasagot ko para bang nawala ang kakapalan ng mukha ko noong mga oras na iyon.

“Ah dito ako sa Phase 2”

"Ah ganun ba sige hatid na kita".

Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang kilig ko kasi grabe yung mga mata niya nangungusap at ang amo amo niya. Habang binabaybay namin ang pauwi sa aming bahay bigla siyang nagsalita,

“Ayoko diyan”

Malalim na malalim yung boses niya habang sinasabi niya sa akin yung mga katagang iyon tinanong ko naman agad siya kung

Saan?

Kanino?

Sumagot siya...

diyan sa bago kong skul,

Nagtaka ako kung bakit siya nagbukas ng ganung topic, tinanong ko naman siya kung bakit, maganda naman ang school, masaya, maraming activities at mababait ang mga teacher, at ang sagot niya lang sa akin ulit ay

“Basta ayoko diyan”.

Bigla kong pinutol ang usapan namin, dahil sa kalalakad namin para bang ang bilis ng oras at wala akong kamalay-malay na naihatid na pala niya ko sa bahay namin, tumango siya sakin tinignan ko lang siya at ngumiti ako ng bahagya.

Sumilip agad ako sa gate namin mula sa loob at nakita ko na bagong lipat sila malapit sa bahay namin, hindi nawala sa isip ko yung sinabi niya sa akin na ayaw niya sa school na pinapasukan namin ngayon.

“Bakit kaya?” may kinalaman kaya ito sa inaasal niya sa akin?

Iyan ang tanong ko sa sarili hanggang sa makatulog ako. Bukod doon inisip ko nang makailang ulit yung mapupungay niyang mata yung boses niya yung ilong niyang matangos basta lahat na ata ng hinahanap ko sa isang lalaki nasa kanya na.

‘Di na siya talaga nawala sa isip ko mula noon at para bang maituturing kong best day ever ang nangyari sa akin kanina. Isang tanong din ang sumagi sa isip ko

“Bakit niya kaya ginawa iyon? 

Ipipikit ko na yung mata ko nang biglang may tumawag sa cellphone ko

sinagot ko agad kasi akala kung sino, ayun si Kate tumawag kinakamusta niya ako na para bang hindi kami nagkita kanina sa school at dahil bestfriend ko nga siya, ikinuwento ko ang kilig moments ko kay Marko, pero medyo nagtataka ako na para bang negative ang dating sa kanya lahat ng mga pinagsasabi ko, siguro di niya gusto ang ugali ni Marko kasi dahil sa inasal niya unang araw pa lang ng pasukan.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon