SA PAGPATAK NG ULAN
CONCEPT of: J.M.C
Copyright ⓒ Mark Crisostomo(maestromark)
® storyWRITTEN BY: BATANG WIKA
Introduction:
Ano nga ba ang ideal na love story? Ewan ko kung bakit ko ito naisulat siguro ay na-inspire ako ng pelikulang napanuod ko at na-inspire rin ako kay Jonah Mae Caliboso isang author na siya ring nagbigay ng konseptong isinulat ko.
Maikli lang siya, hindi siya katulad ng mga sikat na wattpad books. Kumbaga sa short story ay eto na ang pinakashort, pero sinisigurado kong magugustuhan niyo ang istoryang ‘to. Hindi siya katulad ng mga istoryang kadalasan nating nababasa kasi yung iba talaga inaasahan nila na lahat ng love story ay happy ending, pero ayoko kayong bigyan ng overview sa kwentong ‘to basta ang kwento to malapit sa realidad ng buhay. Isang beses ko pa lang naranasan ang pumasok sa isang relasyon pero maraming beses na kong nagtangka halos lahat bigo yung isa nagtagumpay pero sa huli nabigo pa rin. Isa ito sa mga nagbigay ng inspirasyon sa akin kung bakit ko sinulat ang kwentong ‘to malayo siya sa love story ng buhay ko pero yung mga emosyong dala nito sa mga readers iyon yung malapit sa puso ko.
Basta ang payo ko lang huwag magpapabulag sa akala mong totoo na, kasi sa huli ikaw rin ang masasaktan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Parang gumuho ang mundo ko, hindi ako nakagalaw ng ilang minuto para kong nanunuod ng isang “kissing scene ” sa isang pelikula kasabay ng pagpatak ng ulan ay unti-unti ring pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. Nasabi ko na lang sa aking sarili na
“sh*t ang sakit pala”. May connection sila sa isa’t-isa. Ang ganda sanang panuorin ang sweet, pero ang sakit-sakit pala.
BINABASA MO ANG
Sa Pagpatak ng Ulan
RomanceMaraming nag-aasam ng perfect love story. Maraming naghahanap ng ka-FOREVER nila.Minsan akala nila yun na pero hindi pa pala, may nakalaan ang BEST sa kanila. Si Toni isang sassy girl, matalino at maganda. After 6 years... Isa na siyang English Te...