"Gabriella"
"Gabriellaaa!!"
"Gabriellaaaaaaaa!!!!"Ganyan ang bungad sa akin ni Mama ngayong umaga. Sigaw na halos buong barangay na ata namin ang nakakarinig. Nasanay na siguro ang vocal chords nito at naging training ground ang pagtuturo sa elementarya sa mahigit 20 years kaya normal na lang sa kanya ang sumigaw.
"Po?" magulo pa ang aking buhok at halos hindi ko pa mabuka ang aking mata sa sobrang antok.
"Alas sais na, maligo ka na!"
"Ha? Ang aga pa Ma!" reklamo ko sa kanya.
As usual, nakaligo na ito at nakapagbihis na ng teacher's uniform.
"Anong maaga? Alas sais na, Lunes ngayon...may flag ceremony baka nakakalimutan mo!?, ihahatid ka pa ng Papa mo sa school!"
Jusko! Nakalimutan na ata ni Mama na college na itong magandang anak niya.
Umalis na si Mama sa harap ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Andun na rin si Papa at kumakain ng almusal.
Chill lang ito at mukhang sanay na sa ganung scenario namin ni Mama.
Sa isang maliit na bungalow kami nakatira kaya halos lahat ng parte ng bahay ay makikita mo na kahit saang parte ka pa nakaposisyon.
Sumunod ako sa kanya sa kusina.
"Ma, alas nuwebe pa po klase ko!" reklamo ko sa kanya sabay tuhog ng isang hotdog sa tinidor.
"Bakit? Kailangan pa bang hintayin mong mag-alas nuwebe saka ka bumangon at maghanda para pumasok? Aba! Gabriella, sayang ang oras!"
At nagsimula na naman si Mama sa kanyang mahabang litanya.
Blah! Blah! Blah! Blah!
Don't get me wrong ha, hindi ako suwail na anak. Ganyan lang talaga Mama ko, matalak pero love kami ni Papa. Gaya nga ng sabi ko...normal na lang sa kanya ang sumigaw.
Tumahimik na si Mama kaya kinausap ko na si Papa na nasa harap ko lang at patapos na rin sa kanyang kinakain.
"Pa, huwag nyo na lang po ako ihatid sa school, kaya ko naman ho magcommute. Tsaka, isang sakayan lang naman po yun ng jeep mula dito."
"Wala naman sa akin kung magcommute ka anak ginagawa mo naman yan kahit noong highschool ka pa. Ewan ko ba dyan sa Mama mo bakit kailangan kapang ihatid eh hindi ka naman na kinder!" saad ni Papa sabay ngiti at kindat sa akin.
Ganito kami. Vibes lagi. Kapag tumatalak si Mama, asahan mong kaming dalawa ni Papa ang magkakampi. Nakatalikod si Mama kaya hindi niya nakitang nag-apir kami ni Papa pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Mama ang mga sinabi nito.
"Uy! Gilberto! walang masama kung ihahatid mo yang anak mo sa school kahit nasa college na! Mas maganda yun kasi alam mong safe siyang nakarating sa paaralan kesa naman mag-alala ka. Di mo alam ang panahon ngayon."
Nilapag ni Mama ang inihandang baon ni Papa sa mesa. Tumatalak lang yan pero may gawa. Ang sweet! Always niya pinapabaonan ng pang lunch si Papa kesa naman daw bumili pa ng pagkain sa karenderya. Mas tipid daw kung ganun. So, alam niyo na, may pagkakuripot si Mama ng slight...lumalabas minsan ang pagkalahing chinese.
"Caridad..." sabi ni Papa.
Hahaha! Natatawa talaga ako kapag binabanggit nila ng buo mga pangalan nila. Ang luluma! Sa alamanac daw kinuha ng mga magulang nila ang pangalan nila kaya ganun. Listahan daw yun ng mga pangalan na pwede mong ipangalan sa magiging anak mo...noon! Kasi ngayon kapag maggoogle ka, ang sosyal na ng mga pangalan! Yung tipong ang hirap espelingin.
"Gusto ko lang naman maging independent itong si Gabriella. Para saan pa pinangalanan nating Gabriella itong anak natin kung hindi ito marunong sa buhay at tumayo sa sariling mga paa!" saad ulit ni Papa.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
FanfictionMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola