GAB's POV
Hindi na ako pumalag ng nagpresinta si Kiko na ihatid ako sa bahay namin. Kahit hindi ko magets bakit parang aligaga siyang mahatid ako eh hindi naman mahirap sumakay ng jeep pauwi kahit ganitong oras. Hindi lang ako nagpahinto sa mismong tapat ng bahay namin dahil baka panibagong war na naman namin ito ni Mama kapag nakita niyang may lalaking naghatid sa akin.
Ayaw pa sana ni Kiko dahil dapat door to door daw para mas alam niyang safe akong nakauwi. Kailangan ko pa ng ilang kilometrong paliwanag para maintindihan niya. Buti at may malawak na pagintindi ang mokong na iyon at hindi na nagpumilit.
"Buti naman at sumunod ka sa usapan natin Gabriella!" ito kaagad ang bungad sa akin ni Mama nang makarating ako sa bahay. Hindi ako kumibo bagkus nagmano ako saka umupo sa pang-isahang upuan at hinubad ang suot na sapatos.
Binaba niya ang kanyang suot na salamin at iniwan ang ginagawa sa harap ng desktop computer. Sinundan ko lang ang galaw niya.
Hindi kami bati ni Mama. Galit siya sa akin. Tampo naman ako sa kanya. Neutral naman si Papa.
Galit siya sa akin kasi nga hindi ako umuwi kagabi at ang mas malala, hindi ako macontact! Tampo ako kasi hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Yun nga, alam ko naman na may kasalanan ako kaya hindi na lang ako nagsalita. Mama ko pa rin naman siya.
Hindi ko alam kong anong ginawang paliwanag ni Yaz sa kanya dahil nang tinawagan niya si Ninang Gwapa, kumalma ito. Hindi din kami nakapag-usap ng masinsinan kanina ni Yaz dahil dumating nga si Troy. Di ko nga alam kong anong sadya niya sa akin. Pero hinuha ko tungkol ito sa nangyari.
Going back kay mother earth, beastmode talaga siya kahapon eh. Ayan! confiscated cellphone ko kasi wala din naman daw silbi.
"Kumain ka na Gabriella." saad ni Mama habang nakatayo malapit sa cabinet na naghihiwalay ng sala at kusina namin.
"Opo,magbibihis lang po ako."
Pagkatapos magbihis ay lumabas na rin kaagad ako para kumain. Ramdam ko na rin ang gutom. Ginisang monggo at natirang adobo na ulam namin kanina ang nakahain. Tahimik lang akong kumakain nang nilapag ni Mama ang aking telepono sa harapan ko.
Nabitin sa ere ang pagsubo ko. Ibig ba sabihin nito, sinasauli na ni Mama ang phone ko? Kinurap-kurap ko pa mga mata ko just to make sure kung cellphone ko ba talaga nilapag niya. Naexcite ako bigla.
"Alam kong kailangan mo 'yan kaya sinasauli ko na sa'yo." seryosong saad ni Mama.
Di ako matiis ni Mama eh!!!
Walang salitang lumabas sa bibig ko at bigla ko na lang siyang niyakap. Niyakap niya rin ako at hinamas-himas ang aking likod. Gusto kong maiyak sa tuwa pero pinipigilan ko. At sa ganun lang, bati na kami!
Yes! Ang saya-saya ko!
Nawala yung isang tinik sa puso ko. Ayaw ko talagang nag-aaway kami ni Mama eh.
"Sorry po talaga Ma...di na po talaga mauulit yung nangyari. Promise po, pakabait na talaga ako. Promise po!" Tumango lang si Mama at nginitian ako. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
Matapos ang madramang tagpong iyon tinapos ko na kaagad ang pagkain at inayos ang sarili para matulog. Di ko mapigilang kiligin na ok na kami ni Mama. Halos halikan ko pa ang cellphone ko habang hawak-hawak ito papasok ng kwarto ko.
Excited akong i-on ang cellphone pero di gumana.
"Si Mama talaga oh di man lang naisipang i-charge!"
Sinisi pa ang ina? Tsk! Hay! Gabriella!
Sinigurado ko munang maayos ang pagkacharge ng cellphone saka ako gumapang sa kama at nahiga.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
Fiksi PenggemarMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola