JASPER's POV
Hello! I'm Jasper Vic Tiongson, Troy's best buddy! Mapang-arot pero di maharot! Hahaha!
I want to give myself a tap on the back kasi sobrang aga ko, it's still 7:05 in the morning, 7:30 am pa first subject namin. Geeezzz! I hate our sched! Sa buong linggo, friday lang talaga ang hindi maaga ang class schedule namin. Sarap pektusan ng gumawa ng sched ano??
Anyways, papunta na ko sa canteen para doon muna tatambay. May nasagap kasi akong balita kagabi from my dear cousin Ella na may pa-feeding program itong si Gabriella sa kaibigan kong si Troy...,eh naisip ko mas cool siguro kong magpaka-imbistigador ako ng very very light today, yung kaibigan ko kasi walang nakwento, magkachat naman kami kagabi....ang alam ko lang, lagi siyang maagang pumapasok dahil sa canteen siya lately kumakain ng breakfast.
Teka...masilip nga kung totoo! For sure andun na yun ngayon!
Pasimple akong sumilip sa loob and boom! Confirmed mga dude! Tsk! Hanep talaga itong kaibigan ko oh! Parang walang pinagdaanan eh! Gusto niyo kwento ko kung ano tinutukoy kong "pinagdaanan"?? Wait...teka lang, arutin ko muna itong dalawa.
"Yow! Wazzup guys! Goodmorning!" bati ko sa dalawa.
Sabay silang nakatingin sa akin. I gave them my best smile.
"Aga natin dude aaah!" I gave Troy a meaningful look habang ginagawa ang aming brotherly handshake.
"Hi Gab!" bati ko
"Hi Jas, goodmorning!"
Kumaway siya sa akin ng nakangiti.
Wow! Close na kami ha, Jas na ang tawag sa akin!
"Breakfast date???" tanong ko sa kanila after I settled on my seat. Nasa harapan nila ako. "Lakas niyo maka-jowa goals ah, sabay kain!"
Sabay silang napatingin sa akin with different reactions.
Si Gab parang natutuwa pa sa sinabi ko while si Troy...well! his glaring at me! Parang gustong manapak sa umaga!
Tsss...I'm not interested is shaking!
"So totoo nga yung balitang umabot sa akin?" I'm grinning from ear to ear habang nakatingin kay Troy.
"Anong balita?" tanong ni Gab habang umiinom ng kape.
Pambihira! Hindi man lang nag-aya mga itong magkape or kumain!
Napatingin ako kay Troy habang kumukuha ng ulam sa isang tupperware.
Oh?
Gulat ako mga tsong! Kelan pa nagbaon ng pagkain itong si Troy Martin? Swear! Never in my entire existence dito sa Pearl Orient University na nakita kong may baon ang isang ito!
At mukhang sarap na sarap ah!
"At kailan ka pa natutong magdala ng baon Alviola? Dude! Hahaha! Nakakapanibago ka ha! First time in history 'to Tol!"
Hindi man lang ako pinansin! Tsk!
"Ah! Ako may dala niyan Jas...hehehe!" sabi ni Gab. Nahihiya pa ata siyang umamin.
Totoo ngang may pakain itong si Gabriella. Ayyy..
Wait!!! Is she blushing! Bakit biglang namula mukha niya? Hmmm...I smell something fishy sa dalawang 'to!
Hindi kaya...???
"Anak ng...teka nga muna...may hindi ba kayo sinasabi sa akin? Magkaaminan nga tayo...Dude? Ano na? Kaibigan mo ako pero ako 'tong huling makakaalam tungkol-----"
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
FanfictionMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola