TROY's POV
Lunes...
After ko magpark ng sasakyan, dumiretso na ako sa canteen to have breakfast. It's my daily routine now since this sem started.
If you ask me why, bukod kasi sa maaga ang first subject ko which is 7:30 am by the way...
Tssss..
I'm also living alone, kaya instead of cooking for a meal bumibili na lang ako. Plus, I don't have enough time to cook. So yeah! Yun na yun! Anyway, Wala pa akong time na magdrama at magkwento tungkol sa family ko and the reasons why I'm living alone.
Malungkot pero masaya.
Nakakamature actually 'coz I got to decide on my own.
I'm here na sa canteen. Nilapag ko muna ang gamit sa mesa dito sa favorite spot ko na malapit sa counter.
Wala si Gab?
Himala yata at wala siya ngayon. I'm used to have breakfast with her kasama ng dala niyang ulam. I won't deny it na gusto ko yung may nakakasabay na kumakain. May nakakausap kasi naiibsan yung pagkamiss ko sa family ko. Gab is certainly filling all those things and naeenjoy ko actually ang company niya plus her dalang food.
Past 7am na kaya umorder na lang ako. Baka hindi yun darating ngayon. Hindi ko rin alam what happened to her after niya umalis sa apartment ko kahapon. She did not reply to any of my messages.
Wait.
Natigilan ako habang nakatingin sa mga nakadisplay na mga ulam. May naalala ako bigla.
"Hindi na ako maghuhugas ng pinggan ha...hehehe! Salamat sa breakfast. Need ko na talagang umuwi baka itakwil na ako ng mga magulang ko...."
Hindi kaya napagalitan siya ng parents niya?
I hope not!
I'm back from my reverie ng magsalita si Ateng Incharge.
"Ikaw si Troy Martin di ba?"
Tumango ako with confusion. Bakit naman niya tinanong?
Saglit siyang umalis sa counter at may kinuha.
"Heto oh, may nagpapabigay sa'yo. Kainin mo raw."
She handed me a very familiar plastic ware. Kinuha ko and saw a note on it.
"Kain. Huwag pagutom! Enjoy 😊 -- MG"
A thin smile formed on my lips. Alam ko na kung kanino galing 'to.
"Salamat ate."
Umupo ako at binuksan ang tupperware. Agad nanuot sa aking ilong ang masarap na amoy ng adobo.
Napangiti ako.
Thanks Gab!
While munching, naalala ko ulit ung sinabi niya sa akin...
"Thank you sa lahat-lahat, mula kagabi hanggang dito sa almusal. Bawi na lang ako sa'yo next time."
Ito na ba pambawi niya? Hmmm...not bad. First time kong natikman adobo ng daddy niya naging favorite ko ito in an instant.
Pero saan kaya yun? Baka may niresearch na naman sa library. I continue eating and head my way to my first class right after.
Buong araw hindi nagparamdam si Gab. Trying to contact her pero out of coverage area ang number niya.
Kahapon pa ito ah!
Hindi rin siya nakikisali sa kulitan namin sa groupchat ng DT. I don't know her classmates or other friends dito sa campus. Kaya nagtataka ako na tahimik siya ngayon.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
Fiksi PenggemarMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola