Chapter 10: Send Help!

160 13 0
                                    

GAB's POV

Kanina pa ako nakaupo dito sofa nila Ninang Gwapa. Nasa bahay nila ako ngayon at hinihintay na bumaba si Yazmin. Sabado ngayon walang pasok kaya nag-aya itong si Yazmin na magmalling daw kami. Wala rin naman kaming practice ng sayaw kaya umuoo na rin ako.

Sabi kasi ni Mama, kailangan naming magbonding para mas maging malapit kami sa isa't isa. Getting to know each other, ganern! Parang dalaga at binata lang na nagliligawan.

Gusto ko sanang isama si Val kaso may gagawin daw ang bruha! Kesyo kailangan daw niyang tapusin yung weekly gazette ng pub na ipapublished next week in time sa acquintance. Kaya heto, mag-isa ako.

Nakadalawang refill na ako ng juice mula sa pitsel na binigay ni Ninang kanina pero di pa rin bumaba si Yazmin.

Pssshh! Inip na ako.

Anong klaseng outfit ba susuutin niya at napakatagal! Sa mall lang naman punta namin.

Kinakalikot ko muna ang aking cellphone habang wala pa siya. Nasa trenta minutos na ata siyang nag-aayos.

Tagaaaaaaal!

Akyatin ko na kaya sa taas at kaladkarin pababa? Joke!!! Baka maka-award pa ako!

Dinig ko na mga yabag sa hagdan kaya nakahinga na ako ng maluwag at sa wakas na bumaba na ang reyna.

"Sorry to keep you waiting Gab...I can't decide what to wear kasi eh!"

Duh! Arte!

I fake a smile.

"Di okey lang. Tara na?" aya ko.

"Wait!...ok na ba suot ko?"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Ayos to! Judging someone with permission.

Okey naman suot niya. She's wearing a white off-shoulder top, a denim skirt, slim double strap mule stilleto at yung usong-uso na Indonesian rattan round sling bag. Agaw atensyon din ang kanyang silver bangle earrings at perfect messy hair bun. Of course, hindi nawawala yung make-up mga teh.

I gave her a thumbs up. I'm not really into fashion kaya hindi na ko nagcomment.

"Okey! Let's go!"

Hila-hila niya ako palabas ng bahay at nadaanan namin si Ninang Gwapa na nagspe-spray ng kanyang mga orchids.

"Ingat kayo girls! Have fun!" dinig kong sigaw pa ni Ninang nang makalabas na kami ng gate matapos magpaalam.

Malapit lang sa entrance ng subdivision yung bahay nila kaya nilakad lang namin patungo sa labasan para mag-abang ng taxi. May sasakyan naman sila pero pareho kaming di marunong magmaneho.

"Omg! Gab I can't believe na magkasama tayo ngayon. See? Bumabawi ako right?" sabi niya in her maarte voice.

Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kong magkakasundo ba talaga kami nito. Masyado siyang maarte para sa akin.

Judgmental ka Gabriella!

Nakarating na kami sa mall at dumiretso kaagad kami sa department store - women section. Pili-pili kami ng damit. Minsan nag-uusap din. Wala pang 10 minutes nag-aya na siyang lumabas.

"They don't have new arrivals. Ang papangit ng mga designs ng damit. I don't like it." reklamo niya at sinauli yung blouse na kanyang hawak2x.

Tahimik lang ako. Wala rin akong nagustuhan sa mga nakadisplay. Maganda naman yung designs, wala lang akong budget.

She then grab me papunta sa isang stall na puro mga damit din ang tinda.

"Gabriella why don't you make sukat this!" she's smiling habang itinaas ang isang floral dress na may ruffles sa baba.

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now