Chapter 11: EX and WHYs

183 14 1
                                    

GAB's POV

Nagising ako sa isang sobrang malamig na kwarto. Ano? Bakit? Paano ako napunta rito? Sigurado akong hindi ito yung kwarto ko dahil wala namang aircon yun.

Hala!

Tinakpan ko bigla ang sariling bibig dahil may biglang pumasok sa isip ko na hindi maganda!

Bigla akong kinabahan sa naisip ko!

Kinapa ko agad ang aking katawan sa ilalim ng kumot.

May damit pa naman ako.

May bra pa naman ako.

Hindi naman masakit yung ano ko.

Pffft!

Nakahinga ako ng malalim. Pero yung kaba na nararamdam ko hindi parin humuhupa.

Kaninong kwarto ba ito?

Hinilot ko aking sentido nang makaramdam ng sakit.

Shocks! Ang sakit!

Parang umaalon yung ulo ko!

Pinikit ko muna sandali ang aking mata habang sinasabunutan ang sarili.

Uminom ka pa kasi!

Haist!

Saan nga ba kami nagpunta kagabi ni Yazmin?

Tama! Oo tama! Nasa Club Z lang ako kagabi kasama si Yazmin at mga kaibigan niya. Pero paano ako napunta rito?

Saan sila?

Bahay kaya ito ng isa sa mga kaibigan ni Yaz, imposibleng kwarto ito ni Yaz. Wala namang bakas ng kakikayan ang mga gamit dito.

Si Yazmin...nasaan kaya siya? Bakit wala siya dito?

Hinilot ko ulit ang aking sentido dahil sa sakit.

Inom pa more!

Argh! Di na talaga ako iinom pa!

Tiningnan ko ulit ang palibot. Panlalaki itong kwartong ito sigurado ako dahil na rin sa kulay at mga dekorasyon sa palibot. Simple lang. Pero kanino nga?

Si Yaz! Nasaan si Yaz? Bakit mag-isa lang ako?

Shit! Patay talaga ako kay Mama nito!

Sapo ko ang sariling noo habang pilit inalala kung anong nangyari kagabi.

"Awww! Weak pala itong kaibigan ni Yazmin eh! Ilang shots lang tumba na??Hahaha!!! Tsk!"

Iniwan nila ako lahat sa table na mag-isa. Oo! Tama!...yun ang nangyari...then...

Thinking....

I snapped my finger.

"May tinawagan ako!...cellphone!...yung cellphone ko!"

Bumaba ako sa kama at kinalkal kaagad ang bag na nasa couch sa gilid ng kama.

Shuta!

Dead batt!!!

Wala pa naman akong dalang charger.

"Paano ba 'to! Hay! Gabriella! Sakit ka sa bangs!"

Minamasahe ko ang aking batok dahil pakiramdam ko mahihighblood ako sa sarili kong kagagawan.

Saka ko napansin na nakaawang ang pinto kaya agad akong sumilip para tingnan kong may tao ba sa labas.

Wala.

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now