GAB's POV
Goodmurneng!!!!
Its a brand new day na naman mga friends!
I feel so good!
I feel so refreshed!
I feel so alive!
Ang sarap ng tulog ko kahit medyo late na akong nakatulog kagabi! Yup! Natapos ko yung mga visual aids na ginawa ko sa isang gabi lang!Akalain mo yun? Sa isang gabi lang! Iba talaga ang enerhiyang dulot ni Vitamin A, as in Vitamin Alviola! Hihihi!
Time check: 5:00 am. Sobrang aga pa talaga para maghanda para pumasok pero I'm so excited today! Energize na energize ang lola niyo!!!
Haysss!
Di ko mapigilang mapangiti habang iniisip yung pag-uusap namin ni Troy over the phone kagabi. Saglit lang yun pero pakiramdam ko pangbuong magdamag na yung usapan namin. Hindi mawala yung ngiti at kilig sa sistema ko!
Hay! Baliw na ata ako!
Yung tampo ko sa kanya bigla na lang naglaho na parang bula the moment na nagsalita siya.
Troy: Hello...Gabriella...?
Tumatak talaga yung unang mga salita nya eh! Parang magandang chords sa isang kanta na kapag first time mong marinig akala mo nasa cloud nine ka na sa sobrang ganda. At gusto mong ulit-ulitin.
Hindi din mawala sa isip ko yung, nagpaliwanag pa talaga siya tungkol dun sa adobo...hahaha!
Troy: kasi kinausap ako nila Joven at Roy...nagalit ka ata kasi binigay ko sa kanila yung adobo...ahmm..
Actually di ko naman talaga binigay...pinagdiskitahan lang nila ako...alam mo naman yung dalawang yun may saltik minsan...Hahahahahaha! Tawa lang ako ng tawa habang nagpapaliwanag siya
Hindi ko talaga inexpect na yun pala purpose niya kaya siya tumawag. Sabi ko na eh...ramdam niya yung tampo ko! Hmmm! Effective yung acting ko!
Troy: ramdam ko kasi na parang nagtatampo ka...and parang hindi ako sanay na nakikita kang tahimik...
Sus! Troy Martin isang ngiti mo lang washout lahat ng tampororot ko sa katawan.
At ang mas malala pa mga besh, nanghingi ng sorry. Oh my!
Troy: I'm sorry...
Speechless talaga ako nung sinabi niya yun.
Yun na nga! After niyang magsorry, apology accepted kaagad! syempre pakipot pa ba ako? Hindi na no...mamaya niyan, mabaliktad, siya na naman yung magtampo...ang hirap pa naman ata niya paamuin!
And then, nag-usap lang kami saglit tungkol dun sa sticky notes and highlighter niya.
Troy: I intentionally followed you sa bookstore after kong makausap sila Joven...
At sinadya nya din daw talaga na hindi kunin ang mga ito para may mapag-usapan kami. Oh di ba kilig!!!!
Ito pa, effort si crush! Kung kani-kanino daw siya nagtanong kung sino sa members ng DT ang may number ko.
Troy: I asked everyone sa group kung sino may number mo para matawagan ka...
Hahaha! Imagine yung effort mga teh! Jusme, halos maihi ako sa underwear ko sa sobrang kilig habang nakwento niya.
Kaya yun! Sa sobrang inspired, natapos ko mga visual aids ko! Nagagawa ba naman ng conversation with crush!
Narinig kong may kumakalampag na sa kusina, si Mama na siguro yun kaya lumabas na rin ako para matulungan siyang maghanda para sa agahan.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
FanfictionMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola