TROY's POVThis chinita girl! She looks so familiar!!!Hmmm, saan ko nga ba siya unang nakita???
Nasa harap ako ngayon ng babaeng nabangga ko kanina. Nakasuksok ang mga kamay ko sa suot kong jacket. I'm not minding the weather. Nasanay na talaga ko na nagsusuot ng jacket eversince.
I'm still in deep thought nang magsalita yung babae. If I remember it right, tinawag siya kanina ni Kiko na "Gab". Magkakilala na siguro sila.
"I'm fine. No need to worry na." sabi niya sa akin.
I don't know pero parang balewala lang sa kanya yung nangyari kanina. Ang lakas ng impact ng banggaan namin base na rin sa initial reaction niya. Pero, she seems unbothered!
Lumapit si Lyn sa amin at tinanong siya kung kaya niyang maglakad at tumango naman siya.
Hmmm...tough girl!
Mukha lang siyang mahinhin tingnan because of her fine features pero astigin pala. Bibihira lang yung ganito. Mostly girls na nakikilala ko, kung anong arte sa katawan, ganun din sa pag-uugali...pero itong si "Gab"...she's somekind a different.
"Bro!" lumapit sa akin si Kiko, "Napalakas ata yung banggaan ninyo kanina ni Gab ah! Tumilapon pre!"
"Oo nga eh! Di ko naman sinasadya Bro! And nag-aalala din ako kasi baka nga nabalian or something."
Tumingin ako sa kinaroroonan niya kasama ng ibang mag-o-audition.
Yeah! Mukhang okey lang talaga siya. I hope so...
"Sana makasayaw yan mamaya ng maayos" dinig kong sabat ni Joven, isa sa mga member ng Dance Troupe.
"I think ok naman siya. Straight naman na naglakad kanina nung tinawag ni Lyn." sabi ni Roy, member din ng DT.
"Pero nag-alala pa rin ako Bro, baka kasi napano, ang lakas talaga kasi ng impact kanina!" si Kiko ulit.
Sobrang concern nitong si Kiko sa auditionee na yun. Hindi ko alam pero baka kakilala niya nga ito even before kaya ganun na lang yung concern niya.
"Hey guys, tawag na kayo ni Prof...magsisimula na daw tayo. Troy, ikaw na lang muna incharge sa sounds oh wala pa kasi si Kuya Andres eh." sabi naman ni Darlene, isa pang member ng DT.
Sabay2x na kaming naglakad patungo sa mesa na inihanda para sa audition na ito. Naka-upo na si Prof. Priscilla Almaden, ang adviser ng org. She look so strict pero mabait ito. Art and P.E. subjects ang hinahandle niya. And she's really good at dancing, lahat ata ng genre ng sayaw kaya niyang sayawin. No doubt, for the past 7 years niya bilang Prof. sa university namin, never talaga siyang napalitan as adviser ng org.
And ako? If you ask me, well...hehehe! At first, I'm not really good in dancing before pero dahil lagi akong ini-enroll ng Mom ko sa mga dance workshops during summer, natuto ako and here I am, for three years member ako ng university dance troupe and I'm loving it. 😊
"Troy!" tawag sa akin ni Lyn.
"Yep???"
"Okey ka na ba?"
"Yeah!, ikaw lang talaga nagtanong sa akin if I'm okey...thanks for asking Lyn!" ngumiti ako sa kanya, kaya rin mas nagustuhan ko yung org na 'to because of Lyn, she's my "Ate" sa group.
Nakakalungkot, nasa senior year na siya and most probably, hindi na namin siya madalas makakasama sa org dahil for sure mas magfofocus na siya sa acads.
"Ano ka ba, I know nasaktan ka rin dun sa banggaan ninyo ni Ms. Domingo pero mas malala yata yung tama niya."
Naglalakad na kami ni Lyn patungo sa gilid ng kabilang side ng open stage kung saan naroon ang sound system ng dumating ang kaibigan kong si Jasper.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
FanfictionMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola