Chapter 7: Tampo pero PokMaru!

220 14 1
                                    

GAB's POV

5,6,7,8....8,7,6,5,4,3,2,1...kembot! Kembot! And sway!...then pause!

"Alright guys...water break muna. 10 minutes." si Ate Lyn.

Yep! Ate na ang tawag ko sa kanya from the time na nakapasok ako sa DT. Ang bait niya. Ateng-ate talaga siya sa amin lalung-lalo na sa aming mga freshie. Super alaga niya kami. Siya din ang bumubuo ng mga steps ng mga sayaw na aming eneensayo. Of course, may ambag din yung iba, lalo na yung mga senior sa grupo.

Sa ngayon, naghahanda kami para sa Acquintance Party ng campus na mangyayari nextweek, Friday. And since mostly freshmen ang kinuha nilang bagong member ng org, tadtad kami ng production number. Pampawelcome daw.

"Hey Gab!...water?" si Kiko. Inabutan ako ng bottled water.

"No thanks, may dala ako!" Tinalikuran ko si Kiko at naupo sa plastic bench na nasa gilid ng gym kung saan kami nag-eensayo ngayon.

"Uy teka, galit ka ba sa akin? Sorry naman oh kung sobrang kulit ko na sa'yo, just want to be friends with you." umupo siya sa tabi ko at pinupunasan ang pawis sa mukha.

Luh! Nagdecline lang ako ng offer, galit na agad???

"So...inamin mo rin na nakakabanas na yang kakulitan mo?" I gave him a sullen glance. Ang loko, ngumiti lang.

"Hahaha! Grabe naman! Isn't it obvious na gusto lang kitang maging friend." Tumaas kilay ko.

Friend nga ba? Eh, nilalandi mo nga ako sa chat! Tse!

Yeah! Kahit hindi aminin ng gonggong na ito, alam kung he's into me...ooopss! Huwag kayong magalit. Just stating facts.

Oo na, assuming na ako! May conclusion na kaagad ako sa pagiging friendly niya, but I can't help it...yung mga ginagawa niyang pagpapansin sa akin yun din kasi ginagawa ko kay Troy.

And speaking of Troy, nagkalakas loob na rin akong i-friend request siya! Yehey!Hahaha! After kasing ma-announce yung pasok sa DT ay nagkaroon ng meeting ang lahat ng member at official kaming winelcome sa grupo.

Pasikat ang lola nyo! Super friendly si mamang! Frinend lahat para you know hindi masyadong halata at first. Syempre, exempted na itong si Kiko, advance eh!

"Uyy Gab! Thank you pala sa ulam kanina ha. Sarap!" biglang singit ni Joven. Nakiupo rin siya sa bench habang inaayos ang pagkasintas ng sapatos.

"Yes Gab! Naka-three cups of rice ako kanina. Grabe sarap!" segunda naman ni Roy.

Magkasunod yata bituka ng dalawang ito kasi kung nasan yung isa, andun din yung isa.

Pero...wait! Tinutukoy ba nila yung adobong binigay ko kay Troy kaninang umaga?

Oh no! Di niya kinain?

Matic na hinanap kaagad ng mga mata ko si Troy. Nag-uusap silang tatlo ni Ate Lyn at Kuya Andres.

"Teka sandali lang, hindi ko naman kayo binigyan ng adobo ah? Kanino galing?"

"Kay Troy!" they said in unison.

So hindi nga niya kinain!!!

"Magseselos na ba ako niyan kasi may inaalagaan ka na dito sa DT? May pa foods ka na ah!" si Kiko. He pouted his lips na parang nagtatampo pero di ko pinansin.

"Paanong nangyari na napunta sa inyo yung adobo? Wala naman akong binilin na ipakin yun sa inyo?" mataray kong saad.

"Hala! Binigay ni Troy sa amin kaninang lunch...sabi niya di raw niya kakainin, masasayang lang daw!" si Roy

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now