Chapter 2: Audition I

325 14 2
                                    


Gab's POV

Papunta na ako ngayon sa open stage para sa audition ng Dance Troupe. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit eh sanay naman akong sumayaw sa mga entablado. Mula elementary hanggang High School laman ako ng mga school programs at nagpeperform. Sumasayaw. Pero this time, iba ang kaba ko.

Gosh! Lord Jesus sana naman hindi ko makalimutan steps ko!

Mapapadasal ka talage eh sa sobrang kaba.

Sa nilalakaran ko ngayon, kita ko na ang open stage kung saan gaganapin ang audition.

Tugudug!
Tugudug!
Tugudug!

Shuta! Mas lalo tuloy akong kinabahan ng makita ko ang set-up ng lugar. May mahabang mesa sa harap ng stage at may mga upuan. Mukhang madugo talaga ang audition sa org na ito.

Hoooo!

Huminga ako malalim. Malapit na ako sa area. May mangilan2x na yatang nagpalista. Base sa mga nakikita ko, may iba na todo outfit pa. Jusme! nahiya naman ako sa suot kong plain black tshirt, jogging pants at rubber shoes! Di naman ako na inform na may pacustome pala!

Pagkarating ko sa open stage...

"Hi!" bati sa akin ng isang babae na nakaupo sa parang registration table nila. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Mag-aaudition ka?" tanong niya. May nakalagay siyang nametag sa bandang dibdib niya.

Lyn...basa ko sa aking isip. Hmmm, bakit biglang may kumalembang sa isip ko nang binasa ko pangalan niya...

"Yes!" ngumiti ulit ako sa kanya.

"Okey, pakisulat na lang ng name mo dito tapos, fill-upan mo itong form."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Matapos masulat ang pangalan ko, kinuha ko yung form na binigay nya na sinulatan niya ng number 15.

"Ika number 15 ka ha...ibalik mo lang sa akin ang form pagkatapos mong fill-upan."

"Okey po!" tipid kong sagot.

Ang bait natin ngayon Gab ah! Sita ko sa sarili ko! Hahaha! Sa totoo lang, lagpas hanggang langit ang kaba ko ngayon, baka kasi hindi ako matanggap...tinoon ko pa naman buong linggo ko sa pag-eensayo. Mula kasi noong inanunsyo ang audition para sa mga clubs and orgs ng university...kinalimutan ko muna saglit ang lovelife ko! Char! Hahaha!

And speaking of lovelife...hays! Namimiss ko na si Troy!!! Hahaha! Akala mo naman jowa di ba kong makamiss! Pero totoo, kinalimutan ko muna ang pang-stalk ko sa kanya para mas magconcentrate sa pag-ensayo para sa audition na ito. Dual purpose kasi ang pagsali ko dito.

Una, kapag nakapasok ako, mababawasan na ng miscellaneous fee yung babayaran ko next sem. Hindi kami rich mga sizt!!! Plus of course dagdag credits.

Pangalawa, panlaban ko sa hika at form of exercise ko na rin. Hikain kasi lola nyo kaya kailangan galaw2x bago pumanaw! Chos!

Matapos fill-upan ang form ibinalik ko na sa nagngangalang Lyn ang papel.

"Okey, thank you. Tatawagin na lang later ha for final instruction."

Tumango ako saka naghanap ng pwesto na pwede kong maupuan habang naghihintay magsimula ang audition.

Bakante pa naman ang ilamg monobloc chair sa may likurang bahagi ng mesa kaya doon ko pinili umupo.

Hoooo! Shet! Naiihi ako na paramg hindi! Marahil dulot ito ng kaba ko!

Kinuha ko ang earphone ko at pinakinggan ang sasayawin ko mamaya. May ilang mga auditionee na nag-eensayo sa gilid ng stage!

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now