Chapter 6: Welcome to the Club!

203 15 3
                                    

LUNES...

GAB's POV

Alas-siete pa lang nasa campus na ako. Dalawang araw ko ring hindi nakita si Troy kaya kailangan bumawi. 7:30 pa ang klase niya at nagbabakasali ako na baka kagaya noong una eh makita ko siya sa canteen.

Eeeehh! Kinikilig ako!, iniisip ko pa lang na makikita ko siya today para na akong dinuduyan sa alapaap!

Ting!
Ting!
Ting!
(A/N: notification yan sa messenger...bakit ba...huwag kayo judgmental! 😂😂😂)

Ito na naman tayo! For sure unli message na naman ito galing kay Kiko.

Kiko: goodmorning! Rise and shine!

Kiko: done na ako maligo. Eating breakfast rn.

Kiko: ikaw ano ulam mo?

Kiko: what time klase mo Gab?

Kiko: still sleeping??

Kiko: hey! Gising ka na?

Kiko: bakit di ka nagrereply?

Kiko: okey...I'll just see you sa school 😉

At di nga ako nagkamali. Ano bang nakain ng lalaking ito at kailangan updated ako lagi sa ganap niya?

Kairita ah!

Lalo na yung ginawa niya noong Sabado...nakuuu! Muntik ko nang balatan ng buhay online! Nag-upload ba naman ng video sa FB habang naggigitara at kumakanta ng Beautiful Girl ni Jose Mari Chan! Ang malala, naka-tag pa sa akin. Buti na lang talaga at alerto itong si Val at nakita niya ang post at natimbrehan kaagad ako.

Ayuuunn...pinadelete ko.

Good boy naman at nakinig. Jusme! Paano na lang if nakita yun ni Troy ano na lang kaya ang iisipin niya...na may something kami ni Kiko??

Ewwww!

Ting!

Kiko: bakit seen lang? Wala bang reply? ☺

Ugh! Kainis ka ha!

Gabriella: goodmorning (-_-)

Matapos siya replayan, inoff ko muna ang data ko para iwas disturbo. Unli message na naman yun...nagsisi tuloy ako bakit ko siya kinakausap sa chat.

Lunes na Lunes nakakabadtrip siya! Asan ka na Troy? Pasayahin mo ko please...charot mga 3/4!

Hinalungkat ko na lang sa bag ang aking earphones at nagsoundtrip habang binabaybay ang pathway patungo sa canteen ng ungusan ako ng isang estudyante. Nasagi pa ako ng bitbit niyang bag na nakasukbit sa kaliwang balikat.

Wait.......si Troy yun ah! Oo...tama si Troy yun!

Ang haba ng biyas niya kaya malalaki ang mga hakbang. Ang bilis niyang maglakad...mukhang nagmamadali.

Dinoble ko rin mga hakbang ko para maabutan siya.

"Pssst!!!...Troy Martin!!!"

Hindi siya lumingon at patuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Troy!!!" tawag ko ulit. May kalakasan na ang boses ko pero hindi pa rin siya lumilingon.

Ano ba yan! Bingi-bingihan school of acting!

Patuloy pa rin siya sa paglalakad kaya tinakbo ko na ang distansya namin para maabutan siya.

"Hoooy! Troy Martin!" tawag ko sabay tapik sa kanyang balikat. Halatang na gulat siya kaya napahinto ito sa paglalakad.

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now