Chapter 4: Friend Request

208 13 0
                                    

GAB's POV

Hay! Ang sarap! Ang sarap sa pakiramdam na lumapat yung likod ko sa kama! Aaaahhh!!!!

Nastre-stretching ako habang nakahiga sa kama ko. Yung pagod ko kanina sa audition parang pang-isang linggo, idagdag pa yung nabangga ako at tumilapon na parang initsang basura. Sa true lang, masakit talaga.

Pero di bale, si Troy naman yung nakabangga ko! Kaya okey lang! Ahihihi!

Sana naman makapasok ako Dance Troupe! Para worth it lahat ng pagod na ito.

Aaahhhh!!! Sarap talaga! Ang sarap na nagpag-iinat ko ng bigla kong maalala.

Kamusta na kaya si Troy. Okey lang kaya siya. Pansin ko kasi, grabe kung makaasar yung mga kasamahan niya kanina...parang may nangyaring something...

Napaisip ako dun sa kinanta nung Joven at Roy. Tumawa si Troy pero hindi umabot sa mata yung ngiti niya.

Hindi siya ganun ngumiti...swear!

Parang may pinagdaanan yung tao na matindi.

About kaya yun sa lovelife niya??? Gosh! Lord please naman sana walang jowa si Troy miloves ko!

Pero di nga?? May girlfriend kaya siya? Sana naman wala!

Niyakap ko ang unan at tumitig sa kisame. Parang nagsilbing screen ang puting kisame habang naalala ko yung nangyari kanina.

Paakyat na ako sa stage habang nakangiti. Kinakabahan dahil lahat ng mga mata nakatingin sa akin. Pero isang tingin ko lang kay Troy napawi ang lahat ng kabang naramdaman ko lalo pa't nakatingin din siya sa akin at ngumiti rin.

Hay! Troy Martin...hindi mo lang alam kung anong klaseng enerhiya sa katawan ang naidulot ng ngiti mo. Napasplit tuloy ako ng wala sa oras!!!

Pero di ko rin talaga inasahan yung nalaman ko na parte pala siya ng DT. Akalain mo yun? Pareha pala kami ng hilig. Naiimagine ko tuloy kung ano itsura niya kapag sumasayaw? Hmmm...

Siguro...mas lalo siyang gumagwapo! Ayiiiiieee! Kainis! 'bat ba ako kinikilig! Sheeet Troy Martin! Ano ba 'tong epekto mo sa akin! Kainis!!!

Kinagat ko ang unan at impit na nagtitili...mamaya marinig pa nila Papa at Mama!

Harujusko Maria Gabriella, pabaliw ka na!

Pero di nga! Ano kaya pakiramdam makasama siyang sumayaw sa dance floor!??

Niyakap ko ulit ng mahigpit ang aking unan at kung saan-saan lumilipad ang aking isip.

Tok!
Tok!
Tok!

"Gabriella?...Nak tulog ka na ba?" si Mama!!!

Haist! Mother naman uy! Panira ng moment! Sarap-sarap na ng imagination ko eh!

Kumatok uli si Mama at medyo malakas na.

"Gabriella???"

Hay! Bantulot akong bumangon sa kama at pinagbuksan siya ng pinto.

"Po?"

"Bat ang tagal mo magbukas ng pinto?"

"Sorry po Ma, may ginagawa lang po."

"Matulog ka ng maaga ngayon kasi pupunta tayong Ecowoods Subd. bukas, pupuntahan natin yung Ninang Gwapa mo."

"Ninang Gwapa? Di ko po kilala yun Ma...ngayon ko lang narinig na may Ninang Gwapa ako!"

Sumandal si Mama sa hamba ng pinto.

"Ano ka ba! Si Ninang Bettina mo! Nakalimutan mo na bang yan yung gustung-gusto niyang ipatawag sa'yo noon!"

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now