Chapter 5

197 13 2
                                    

GAB's POV

Hikab ako ng hikab habang binabaybay namin ang daan patungong Ecowoods Subd. Hindi ko lang pinapahalata kina Mama na inaantok pa ako dahil tiyak sasabunin na naman ako ni Mother earth!

Ito kasing si Kiko, ayaw ako tantanan sa kakamessage sa messenger.

By the way, inaccept ko na rin yung friend request niya.

At pagkagising ko kaninang umaga sunud-sunod na mensahe na naman pinadala niya...wala namang sense! Actually puro GIFs lang naman sinend niya na puro pa-cute.

Dinisiplina ko talaga sarili ko na huwag buksan ang data ko dahil sure na sure ako, first honor na naman siya sa kakulitan.

Pero kung si Troy yun, ayyy! Mommah! Kahit walang tulugan! Choks lang! Hehe!

Tahimik lang din sila Mama at Papa, paminsan-minsan may pinag-uusapan sila pero tumatahimik din.

Malapit na kami sa Ecowoods, hindi rin naman ito kalayuan sa village namin. Kilala itong lugar ng mga may kaya sa buhay. Karamihan kasi sa mga nakatira dito kung hindi mga negosyante, nasa abroad ang may-ari.

So, ibig sabihin...madatung itong si Ninang Gwapa!?? Pero bakit di ko siya maalala?

"Ma..." tawag ko sa nanay ko habang nakatingin sa cellphone niya.

"Oh bakit?"

"Bakit hindi ko matandaan 'yang si Ninang Gwapa? Lagi ba yang nagtatago sa akin noon?"

"Kasi nak, noong mga 7 years old ka pa lang...lumipat sila ng Mindoro kaya hindi na siya nakakadalaw sa iyo. Tumira sila doon kasama nung eldest niya na babae hanggang magsecond year highschool yung si...ano na nga ba pangalan nung eldest ni Bettina Pa?" kinilabit pa ni Mama si Papa tungkol dun sa pangalan ng anak ni ninang.

"Nakalimutan ko na rin eh, basta babae din yun...matanda lang ng isang taon sa'yo nak." sabi ni Papa.

"Basta yun na...nalaman ko na lang na sa Ecowoods na pala sila nakatira nung makita ko si Bettina sa grocery at yun na...kwentuhan...saka inimbita niya tayo. Hindi ko naman mahindian eh matagal-tagal rin kaming di nagkita." halata sa tono ng pananalita ni Mama na excited siyang makita si Ninang Gwapa.

May nakwento pa si Mama tungkol kay ninang sa akin hanggang marating namin ang bahay nila. Ang gara nga! Mukhang nakaluwag-luwag sa buhay itong ninang ko.

Sabay na kaming umibis mula sa sasakyan habang kinakausap ni Mama sa telepono si Ninang.

Maya-maya pa bumukas ang gate at iniluwa nito ang isang babae na kasing edad lang siguro ni Mama pero mas bata itong tingnan dahil na rin siguro sa kolorete sa mukha.

"Carrieeee!!!!" beso-beso sila. Pati na rin si Papa.

Nasa likuran lang ako nila Mama at Papa at pinapanood sila. Nakakatuwa! Para silang maghighschool bestfriends na ngayon lang ulit nagkita.

"OMG! Ito na ba si Gabbie potpot ko!??..." nagkatinginan kami sa mata ni Ninang. Awkward na nahihiya ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"Gabbieeee potpooooott!!!" sigaw niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Niyakap ko na rin siya.

Naks! Ang bango ni Ninang, amoy mamahalin...nahiya tuloy yung baby cologne ko!

"Ang laki-laki mo na! Tas ang ganda-ganda pa!!! Mana ka talaga kay Ninang Gwapa!!!" at niyakap niya ulit ako.

"S-salamat po 'Nang!" usal ko at humiwalay sa yakap saka nagmano.

"Oh sya! Pasok kayo sa loob! Tamang-tama nakaluto na ako. Tara dali. Pasok kayo!"

NGITI MO (on-going/slow Update)Where stories live. Discover now