GAB's POV
This is the day! Ang araw na pinakahihintay ko. Excited akong bumangon at naghanda ng mga dadalhin sa campus. Kailangan kong pumunta ng maaga dahil yun ang bilin ni ate Lyn sa lahat ng members ng DT. May final blocking pa kami sa performance namin para sa opening ng Acquiantance Day at magpeperform ulit kami mamayang gabi sa isa pang programa na inihanda ng Student Council. It would be a long day for me and I couldn't contain my excitement since it's my first time to perform as official member ng POU dance troupe. Tsineck ko isa-isa ang mga inihandang gamit para makasigurong dala ko lahat.
At gaya ko, excited din ang iba pa naming kasamahan, kanina pa nag-iingay ang aking telepono sa sunud-sunod na mensahe na natanggap mula sa mga kasama. Pinasadahan ko lang ang ilan sa mga ito para makita kong anong pinag-uusapan nila.
Then Kiko sent me a message. Of course yun pa, hindi pumapalya yung mokong na yun!
Kiko: Gab sunduin kita okey lang ba?
Mabilis akong nagtipa ng replay para sa kanya.
Gab: Huwag na oie, ihahatid ako ni Papa.
Kiko: Aah ganun ba? Sayang! Pero sabay tayo lunch mamaya ha? 😊
Gab: Bakit? Hindi ka ba makakain kung wala ako?
Hindi talaga ito nagsasawang mangulit sa akin kahit madalas sinusupalpal ko na siya. Mabait naman siya, consistent makulit nga lang at may pagkakataong lumalabas ang pagkapresko.
Kiko: I just wonder how does it feel to have lunch with someone like you Gab! 😊
Eeeh? Ang cringey!
Tumaas balahibo ko sa nabasang mensahe ni Kiko. Instead na replayan, pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa mga kakailanganin gamit.
Kiko: Sabay tayo mamayang lunch Gab ha? Libre ko! 😊
Haist! Napailing ako sa huling mensahe nito. Ang kulit talaga!
Hanggang sa hapag ay abala pa rin ako sa pagbabasa ng mga mensahe nila at panaka-nakang nagrereply din.
"Gabriella ano ba yan?cellphone ka ng cellphone diyan. Kumain ka nga muna." sita ni Mama. Agad din naman akong tumalima. Mahirap na, kakabati lang namin baka mag-away na naman kami at cellphone ulit ang dahilan!
Psssh!
Tinabi ko muna ang aking telepono at nagpatuloy sa pagkain. Binilisan ko pa ng kunti. Maya-maya pa'y may tumawag kaya pasimple kong tiningnan.
Jasper calling...
Ano naman sadya nito? Ke aga-aga!
Pero dahil hindi pa ako tapos kumain, I decline the call. Yung mukha ni Mama hindi ma drawing kaya pinagpatuloy ko ang pagkain.
Matapos kumain mabilis akong kumilos at naunang pumwesto sa likurang bahagi ng sasakyan. Tiningnan ko ulit mga messages ng mga kasama ko pero wala ng bagong mensahe. Naghahanda na rin marahil mga 'yun papuntang campus.
Tumawag ulit si Jasper and this time sinagot ko na.
"Oh? Napatawag ka?" bungad ko.
"Ang ganda ng umaga pero highblood ka! Chill lang!"
Kahit hindi ko siya kaharap alam kong nakangisi ito base na rin sa tono ng kanyang boses.
"Bakit ka nga napatawag ano kailangan mo?"
"Hintayin kita dito sa open stage. Pumunta ka na dito sa school, ok? Bye!"
At biglang pinutol ni Jasper ang tawag.
YOU ARE READING
NGITI MO (on-going/slow Update)
FanficMaria Gabriella Domingo X Troy Martin Alviola