"KUMUSTA naman ang soul searching?" biro ko habang nakahiga kami. Katatapos lang namin ng pangatlo naming movie.
She raised a brow. "Ewan ko."
Tinignan ko siya. "What do you mean?"
Wala pa ring emosyon ang mukha niya. "Masaya," labas sa ilong niyang sabi.
Sinampal ko nga.
Tinignan ako nito ng masama. "Natatamaan mo hikaw ko."
I made a face.
"Yung totoo kasi."
She sighed for the nth time. "Totoo. I was happy at the same time malungkot. Masaya kasi nakakapaglibot ako, nakapunta ako sa kung saan-saan mag-isa." She sighed again. "Kaso hindi pa rin nasasagot yung tanong ko. Saan ba 'ko nagkulang?" Narinig kong nasira ang boses niya. "Bakit hindi ako sapat?" pabulong niyang dagdag.
Magtatanong pa sana ako pero nakakita ako ng luhang nagbabadyang bumagsak sa mata niya.
Umupo ako at pinatayo siya saka niyakap. "Sama ka na lang mamaya. Debut showcase ng mga tinuruan ko."
Nalulungkot ako. She was the type of girl na hindi ipapakita ang vulnerable state niya kahit kanino.
She's the tsundre type of girl kaya nakakapanghina na makita siyang ganito. Hindi siya nagpapakita ng emosyon, maliban sa mama niya, sa akin... at sa taong 'yon.
Kapag talaga nakita ko ang lalaking 'yon, hindi lang isang sampal ang aabutin niya.
Naramdaman kong huminga siya nang malalim, pinipigilan ang luha, kasabay ng pagtango niya.
I touched the side of her lips at may kinuha sa vanity mirror.
Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Anong gagawin mo?"
Nginitian ko siya. "Lipstick mo hindi superstay," biro ko at nilagay sa labi niya ang black lipstick na binili ko para sa kaniya last week, I did not expect na maibibigay ko agad ito sa kaniya.
Umirap ito.
Ibinato ko naman sa kaniya ang lipstick. Understood niya na 'yun.
"TARA!" Hila ko sa kaniya palabas ng apartment.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta!"
"CHARAN!" sigaw ko sabay turo sa kaniya ng paligid.
I looked at her proudly habang inililibot niya ang paningin.
"How is it?"
The look in her eyes made me more proud, happier and made me think that I made the right decision na dalhin siya rito.
She looked like a kid in an emo body.
It was my haven since I found it. It was a place filled with aesthetically looking graffiti walls. Magkakaharap ang mga pader na katulad ng sa Intramuros pero ang mga pader dito ay puro graffiti.
We both love a place like this. Noong mga bata pa kami ay madalas kaming magpunta sa ganito kaso na-renovate na 'yon. Iniyakan pa nga namin dahil wala na kaming tambayan.
She looked at me. "Paano ka nakahanap ng ganito?"
I shrugged. "Dati pa, nung naglilibot-libot ako noon. Syempre bago ako sa lugar, naghanap ako ng tahimik na tambayan." Tinignan ko ang paligid. "Then, I found this. I thought, pwede akong tumambay dito dahil walang tumatambay na iba. Some people find these things dirty, kaya ayun. Simula nang lumipat ako rito ito na yung tambayan ko," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Romance"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.