IBINALIK ni Achie ang suot na mask nang magyaya itong maglakad muna. Achie and I were close, but he's to quiet. Akala mo normal.
"Are you okay?" narinig kong tanong niya habang naglalakad kami sa gilid ng tulay malapit sa mall.
Tumango ako at ngumiti.
Tumingin ito saglit sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Pero umiyak ka?"
Tumawa ako. "Wala lang 'yun. Sinabi niya lang na gusto niya 'ko kaya umasa 'ko." Mas lalo akong tumawa. "Kaya lang hindi ko naman sinabi na gusto ko siya pabalik."
Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan kaya't nilingon ko siya.
"What's wrong?"
Umiling ito, nagpamulsa at itinuloy ang paglalakad. "So, you like him?"
"Hindi ba halata?"
Nagkibit balikat ito.
"KAIN tayo."
Hindi namin namalayan na sa haba ng nilakad namin ay hapon na pala. Paniguradong gutom na siya, no wonder nag-aya.
Nakarating kami sa park ng Lofresia, medyo malayo na nga sa mall. Achie stayed by my side kahit na sinabi ko ng ayos na 'ko.
Although, Achie was quiet, and I was not in the mood to talk. We were sorrounded by comfortable silence.
"Saan?" tanong ko.
"Sa'n mo ba gusto?"
"Kahit saan?"
"Saan 'yun?" tanong niya nang nakangisi.
Inirapan ko siya. See? Hindi siya normal.
"Just kidding. Tara, I know a place."
DINALA niya ako sa isang maliit na coffeeshop. Hindi naman sobrang liit, just the right size para sa mga taong gusto ng tahimik lugar.
A warm atmosphere and a sight full of books welcomed us. Kung nandito lang si X, mangingiti 'yon dahil sa mga libro rito.
Pagpasok ay mapapansin ang mga maliliit na lamesang gawa sa kahoy na magkakalayo sa isa't isa, enough to give everyone who's coming there a personal space. Wala ring upuan kaya't sa sahig uupo na nilagyan na lang nila ng unan. Sa tabi ng mga lamesa ay may kaniya-kaniyang libro ang nakalagay sa maliliit na bookshelf, gawa rin sa kahoy, na kapantay lang ng taas ng lamesa.
Madidilaw rin ang mga ilaw at mas lalo pang gumanda ang lugar dahil sa mga bulaklak at halaman na nakasabit sa bawat gilid ng coffeeshop.
Kahit hindi booklover ay maappreciate ang lugar na 'to.
It's too aesthetically beautiful to ignore.
Hinubad ni Achie ang mask na suot dahil wala namang tao. "You want?"
"Ikaw bahala."
Ngumisi na naman ito. Mukhang alam ko na kung anong nasa isip niya. "An-"
"Hep! Ikaw bahala dahil hindi ko alam yung mga pagkain dito okay?" putol ko bago pa man niya ituloy ang sasabihin.
Tumawa ito. What a rare sight.
"Fine. Upo ka na ro'n." Itinuro niya ang dulong upuan.
Pagkaupo ay agad kong nilabas ang cellphone para kuhanan ang paligid. Hindi ako nakapag-picture nung lumabas kami ni... Theo.
I sighed.
'Wag mo siyang isipin.
Para maalis sa isip ay nilibang ko na lang ang sarili sa laro sa cellphone. Sakto rin namang dumating si Achie dala ang order kaya't ibinaba ko na ang cellphone.
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Romance"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.