Chapter 4

4 1 0
                                    

NAKATANGGAP ulit ako ng mensahe mula kay mama, and yes, I was right. It was composed of those words and sentences I was already familiar to.

Isang linggo na rin matapos ang pangyayari at mabuti na lang ay hindi ko nakakasalubong sa daan ang lalaki. Okay, I'd admit, nakakahiya man dahil nasa akin pa rin ang jacket niya, mas nakakahiya kung makikita ko ulit siya.

Nagpaalam na rin ako kay tito-- tito ang tawag namin sa CEO-- na aabsent ako ng isang linggo dahil sa school. Naintindihan naman niya.

Tito, was actually really nice. He was understanding lalo na saaming mga estudyante na nagtatrabaho sa kaniya. He said, we should prioritize our study, but we should learn how to manage our time.

Pero ayaw niya ng may ka-relasyon sa kompanya, either idol to idol, idol to staff or staff-staff. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Z!" salubong sa'kin ni Vince.

I just arched my brow at him and made a confused look when he showed his arms in front of me.

"Ano meron?" tanong ko.

Binaba nito ang braso at nagpanggap na bakla. "Myghad Z. New tats." Pinilantik pa nito ang daliri at umirap kaya natawa ako.

Lakas ng loob eh lalaking lalaki yung boses niya. Idagdag mo pa yung muscles.

Hinawakan ko ang braso niya na sinasabi niyang may bagong tattoo. "Pretty," komento ko.

"Yan ba yung pinagawa mo? You're preparing for a comeback right? Buti pinayagan ka ni tito na umalis?" dagdag ko pa.

Ngumisi ito. "Ako pa? Malakas ako kay tito." Binuntunan pa nito ng malakas niyang tawa. "Kidding aside, saglit lang ako, three days to be exact. May sinamahan lang."

Tumango-tango ako. Hindi na nag-usisa pa.

Vince's body was not full of tattoos pero marami ito, hindi nga lang gaanong pansinin dahil maliliit lang. Pero sa pagkakaalala ko, he already had fifteen mini tattoos in total? Kadalasan pang sa binti siya nagpapalagay kaya't nagtaka 'ko nang makitang nagpalagay siya sa braso.

"Ian. Ikaw pinaka-matino dito, na-meet na ba 'yong choreographer?" tanong ko pagpasok sa practice room.

"'Yan matino!?" rinig kong sigaw ni Mauie. "Hindi ako papayag!"

Umirap muna si Ian sa kaniya bago sumagot, "Don't mind him. Yup." Sabay baba sa nilalaro.

Tumango lang ako.

Sumabat na naman si Mauie, "naiilang nga nung una eh. Mabait naman taps medyo makulit, at medyo nahirapan dahil umalis nga si Vince tapos wala ka pa. Buti nandito ka na." Kibit-balikat nito.

"Nasa'n sila?" tanong ko.

As if on cue, magkasamang dumating sina Santi at Achie.

"Sa'n kayo galing?"

Tinuro ni Santi ang pinto. "Cafeteria, nagpalibre ako sa kaniya." Tumawa pa ito.

Nagulat ko dahil bihirang manlibre si Achie, what kind of sorcery did Santi do to him?

"Upo-"

"I'm here."

Dahan-dahan akong lumingon sa pinto dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Parang bumalik ang kahihiyan sa akin at bumalik ang pamumula ng mukha nang makita kung sino ang pumasok.

He was standing in front of the doorway, sipping his coffee, wearing a gray casual shirt and a casual black jogging pants suit for dancing and a bucket hat on his head.

Dahil sa suot niya ay may ideyang pumasok sa isip ko kung sino siya na hinihiling ko na sana ay hindi totoo.

Nagtama ang paningin namin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba, nahalata ko rin ang gulat sa mukha niya at ang pamumula ng tainga ay kita rin.

"H-hello." Siya ang unang nakabawi at umiwas ng tingin.

Bakit siya nahihiya? 'Diba ako dapat?

I tried to sound casual as possible so I cleared my throat and tried to speak, "you're the choreographer?"

"Ah. Yes."

Oh no.

"Siya yun Z! Mabait yan." Nagulat ako ng biglang magsalita sa tabi ko si Santi.

Vince stood in front of us, his hands are on his waist. "Z, this is Theo Sebastian Seo, call him Theo. Theo, she's Zhyra Clarisse Hernandez, you can call her Z."

Yumuko naman si Theo bilang pagbati.

"Ay walang shakehands?" rinig kong sabi ni Ian mula sa malayo.

Nilngon ko si Ian at saka inilahad ang kamay sa kaniya. "Z."

Bakit siya nanginginig?

Tumingin muna ito sa kamay ko bago ito tanggapin. "Theo."

"Ehem." Santi cleared his throat.

"Let's start?"

"Ehem." Rinig kong pagtikhim rin ni Mauie habang nakangising aso matapos magsalita ni Achie.

"SO, Mauie will be in this position, while Vince in this?"

Tumango ako sa tanong ni Theo. Kanina pa kasi kami magkasama, pinauwi ko muna ang MAVIS dahil pag-uusapan pa naman namin ni Theo ang posisyon.

Theo said that they still didn't have actual position dahil hindi niya pa alam kung mag-a-agree ako. Kaya steps lang ang tinuro niya at for title track pa lang ang inasikaso nila.

"Yup. Vince is the main dancer, I bet you already know that." Tumingin ako sa kaniya at nang tumango ito ay nagpatuloy ako. "And Mauie is the lead. I think the fans will love it if they see both dancer in the center during break dance, you think?"

He also said sorry for not attending our supposed to be meet-up last week, saying he's got an emergency. Naalala ko na naman ang leak-incident. Thankfully, he didn't bring that up.

He nodded at what I've said.

"You've got any suggestions?" tanong ko nang mapansing malikot ang kamay niya sa notebook.

"I have nothing against with your idea. But in this part." Tinuro niya ang parteng pagtatapos ng dance break. "Sa tingin mo kaya ni Vince na liparin yung posisyon niya mula rito... hanggang dito?"

Nakatitig ako sa kaniya habang nagsasalita siya. I couldn't help it. His voice sounds like a lullaby tho.

I was in awe because of his professionalism, ang galing. Hindi ko pa man siya nakikitng sumayaw na sayaw talaga, but base on his moves. I think he's a great dancer.

"Z?"

"Z?"

"Ay siomai!" napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang niyang tapikin ng malakas ang lamesa. Napahawak pa ako sa dibdib.

"You're spacing out." Mukhang nagpipigil pa ito ng ngiti.

"No. I was thinking," palusot ko.

His brow arched. "So, what do you think?"

Bago pa siya makahalata ay nagsalita na agad ako, "ofcourse, Vince can do that. He's not a main dancer for nothing."

Hindi ito sumagot at tinignan na lang ang position na sinulat namin sa notebook niya, mukhang pinag-aaralan.

Before I could get into his looks again, I excused myself. "CR muna 'ko."

Nang tumango ito ay tumakbo agad ako papunta sa banyo ng practice room.

Sinampal ko ang sarili at tinignan ang repleksiyon sa salamin. "Ano bang nangyayari sa'yo hoy! May kahihiyan ka pa diyan!"

Sa inis ay muli kong sinampal ang sarili. "What happened to that feisty and confident Z? Bring her back!"

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya't inayos ko ang sarili.

"You okay there?"

"Yes! Lalabas na 'ko. Wait."

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon