Chapter 12

6 1 0
                                    

KASALUKUYAN akong nasa library at naka-tambay. Katatapos lang ng klase at pinag-uusapan namin ni Yohan, thankfully classmate ko sa subject na 'to, ang isa pang project na gagawin.

Malapit na kasi ang finals kaya siguro naghahabol na ang mga professor.

"Una na 'ko Z?" tanong niya nang matapos kami.

Tumango lang ako. "Sige, ingat."

At dahil wala naman akong gagawin, naisipan kong magtagal na lang dito sa library, favorite spot ko 'to hindi dahil sa mga libro, kundi dahil sa katahimikan.

Just like today, after Yohan left, there's no one here aside from me and the librarian.

Nanatili akong nakatulala, tinatamad pa 'kong umuwi!

6:11 pm

Maaga pa! Malapit lang naman ang apartment dito.

Sa sobrang bored ay naisipan ko na lang na magbukas nag-twitter. Napangiti ako nang mabasa ang article at muntik pang mapahiyaw.

MAVIS' 2ND WIN!

Agad naman akong nag-message kay Mauie at kakatuwang nag-reply agad ito.

Me:

Libre!

Mauie:

Ikaw dapat! Kami nanalo!

Me:

Lol. Congats btw!

Mauie:

'Di ako tumatanggap ng congrats.

San ka ba?

Me:

Why?

Mauie:

Wala lang.

Me:

School's library.

Mauie:

Punta ka rito bukas? Libre mo kami!

Natawa ako nang mabasa ang reply at hindi na ito ni-reply-an pabalik. Instead, I went straight to twitter para malaman ang iba pang balita na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Kahit nakaupo ay parang napapaso ako sa nakita ko. My eyes watered as my knees wobble. Eto na naman tayo.

GINNY AND A MYSTERY GUY. DATING!

It was a picture of Ginny and a guy. Nakatalikod ang lalaki ngunit kahit ganon ay kilala ko pa rin ang bulto nito.

Theo...

Siomai ka Theo! Pa-fall ka! Paasa ka!

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at pilit na kinalma ang sarili.

Wala kang karapatan, Z. Bakit ka nasasaktan?

I kept on holding to his 'I like you's', masyadong mahigpit ang pagkakakapit ko't masyado akong nagtiwala.

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon