NAPAPIKIT ako sa inis sa sarili. Narinig ko namang natawa rin ang mama ni Theo.
"No! I like her!"
Napadilat ako nang biglang sumigaw si Thea. Nilingon ko si Theo at kumindat ito.
I stayed rooted at my place, feeling ashamed of what just happened. Siomai kasing bibig 'to eh, walang preno.
Pero yun yung nasa isip mo, ba't ka magpapaka-plastic?
But, we just met!
Kahit pa--
"Tara na, ate Z."
Nagising ako sa pakikipagdiskusyon sa sarili na hindi ko alam kung bakit ko ginagawa nang hilahin ako ni Thea papasok sa loob.
My eyes roamed around their house. White colored walls and brown furnitures. I bet, his mom loved antiques.
Pagpasok ng pinto ay dining area ang bubungad. They have a twelve seater dining table. Katabi ng pinto pagpasok ay pader na naghahati sa dining area at living room nila. Bago kasi makapasok sa living room ay may papasukan pang doorway pero walang pinto. Pagpasok sa loob ng bahay ay matatanaw ang kusina nila na katabi ng hagdan."Maiwan ko na kayo. Sebastian, Celestine kayo na bahala." Then their mom left.
And yeah, I think, I was right when I said her mom loved antique, marami-rami kasing vase na mukhang luma sa paligid. Lalo na sa living room part.
Pagpasok kasi sa living room ay may dalawang matangkad na vase na parang nakabantay sa magkabilang gilid ng pintuan. Katabi ng pintuan ang TV at kaharap nito ang sala set nila na antique rin.
"Ate, dito ka. My room is just in front of yours so--"
Bago pa man matapos ni Thea ang sasabihin ni Thea ay sumabat si Theo, "nope. Sa tapat ko siya."
Nanatili akong nakatitig sa magkapatid na nagsasamaan ng tingin. Gusto ko sanag tumawa kaso baka magalit pareho.
Muli ko na lang inilibot ang tingin sa bahay nila. Pag-akyat kasi ng hagdan ay mapapansin ang isang open space, as in open, wala kasing kahit anong nakalagay, plain white. Matapos ang open space ay makikita ang hallway at makikita roon ang magkakaharap na kwarto at makikita ang isang pinto sa dulo ng pasilyo. Hindi ko pa nakikita ang bawat kwarto, nakakahiya naman kung makikiusyoso ako.
"-- dito na nga lang kasi si Ate. Ang kulit mo kuya."
"Bahala ka nga." Humarap sa'kin si Theo. "Ayos lang ba?"
Tumango ako. "Yup."
Dinilaan siya ni Thea so I giggled. Cuties.
"Don ka na nga. Shupi, ako na bahala kay ate." Matapos sabihin ay ipinasok ako ni Thea sa kwartong hinintuan namin.Plain na puti lang ang kwartong pinasukan at mayroong puting kama sa gitna.
"Dito ka muna ate." Nilibot niya ang paningin at tinignan ako saka ngumiti. "Or, do you want to sleep in my room?"
Natawa ako. "Ayos lang kahit saan."
Napapalakpak ito. "Ye-"
"No, Thea Celestine. Diyan lang siya." Pareho kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto at isinuka nito si Theo.
Umirap lang si Thea sa sinabi ng kuya niya.
Inis na pumasok si Theo. "Iwan mo na nga si Z. Pagod 'yan." Then he pulled Thea.
I even heard Thea's protests but I was too tired to care kaya nahiga na lang ako. Mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Romance"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.