Chapter 25

3 1 0
                                    

"I LIKE you Z."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya, sa sobrang taranta ay nasampal ko siya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Ba't ka sumabay?"

Sa panlulumo ay napaupo ako sa sahig at umiyak.

Naramdaman ko siyang umupo sa harap ko at pilit akong itinayo. When he successfully pulled me up, niyakap niya 'ko. Lalong nagsilabasan ang luha sa mata ko.

"I'm sorry," bulong niya.

Kumawala ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha. "S-sorry, sinampal kita. N-nagulat lang ako."

He chuckled.

Nag-angat ako ng tingin. "I... ano... uhm..."

"Relax." He smiled. "I confessed not because I want you to like me back. I confessed, because I can't handle these feelings anymore."

Hindi ako makatingin sa kaniya nang deretso. I couldn't breath. I needed to look away.

He held my face. "I just have one wish."

I listened to him intently. "What is it?"

"Please... stay... I don't want to lose a friend."

I let his words to sink in before a slow smile escape my lips. "I will." I didn't want to lose a brother.

Nakarinig kami ng palakpak kaya't napalingon kami sa likod ko.

"Yes. Hindi na siya torpe." It was Santi.

Mauie chuckled. "Friendzoned naman."

Pinamulahan ako ng mukha.

Umiling si Vince. "Nah. Brotherzoned."

Nagtawanan silang tatlo.

"Grabe pre, tapang mo ah, sa harap pa ng office ni tito." Ian.

Nagkatinginan kami ni Achie at nanlaki ang mata ko nang ma-realize na nasa tapat nga kami ng office ni tito.

"Narinig kaya niya?" tanong ko.

Umiling lang si Achie.

They continued to tease Achie kaya nawala kahit papaano ang nararamdaman kong bigat at napalitan ng tawa. This group never failed to make me laugh.

"OH? NAKISABAY pa?" komento ni X, matapos kong i-kuwento sa kanila ang nangyari isang araw matapos kong magpunta sa office.

Pagkauwi kasi ay natulog ako agad at kinabukasan no'n ay hindi ako lumabas mula sa kuwarto. Nakaramdam nga ako ng guilt dahil hindi itinuloy ni X ang alis dahil sa'kin.

Inirapan siya ni Ginny. "Let him. He hid his feelings for so long... as in long, pagkapasok pa lang ata ni Z sa company, patay na patay na 'yon tapos mauunahan ni Theo."

Nang marinig ko ang mga sinabi ni Ginny, I couldn't help but to feel guilty and sad at the same time. Guilty dahil hindi ko man lang nakita ang nararamdaman ni Achie at nalulungkot dahil naalala ko na naman si Theo.

X looked at me, her cat-eye looked intimindating kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

Kumunot ang noo nito. "Inaano kita?"

Inirapan ko siya. "Yung mata mo."

"Inaano ka ng mata ko?"

"Ang judgemental."

Sasagot pa lang sana siya nang magvibrate ang cellphone ko. I was expecting anyone kaya naman napatayo ako nang makita na si Theo ang nag-text.

Theo:

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon