ARAW ng sabado. Dumiretso ako sa kompanya katulad ng araw-araw na ginagawa.
"Goodmorning ma'am," bati ng guard.
Nginitian ko lang si kuya.
"Ma'am Z!"
Lumingon ako nang bigla akong tinawag ng secretary ni tito.
"Yes po?"
"Wala po si Ma'am Ginny ngayon. She called, she can't make it."
My brows furrowed when I heard the news. "What? Bakit daw?"
"Wala pong sinabi eh."
"Sige. Salamat."
Para sa kaniya kaya lang ako nagpunta rito tapos... hay.
Lumabas na lang ulit ako ng kompanya at dumiretso sa graffiti place. Madalas ako rito nitong mga nakaraang araw kasama si Theo.
"Sabi ko na didiretso ka rito eh."
Nagulat ako nang madatnan si Theo sa bungad ng lugar.
"What do you mean?"
"Ginny called. She can't make it. Kaya sabi ko na lang sa secretary na sabihin sa'yo. Alam kong maiinis ka at didiretso ka rito." Then he smiled again.
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiting ibinigay niya.
No. Hindi pwede.
"Kilala mo na talaga 'ko ah," biro ko na lang at nagtaas ng kilay.
"Syempre naman." Nanatili itong nakatitig.
Bakit ang awkward bigla?
"Tara. Lunch tayo."
Nagulat ako sa bigla nitong yaya. "Ha?"
Tumawa ito, ginulo ang buhok ko. "Lunch tayo. Wala ka namang gagawin ngayong araw. Might as well, keep you busy."
"Pero hindi pa 'ko gutom?" patanong kong bulong dahil hindi ko alam ang sasabihin.
Narinig ko itong tumawa nang mas malakas. "Magugutom ka tignan mo."
"Okay."
"Sakay na."
Nagulat ako nang makita ang kotse na nakaparada sa harap ko.
"May kotse ka pala?" tanong ko pagkasakay.
Tumango ito at ini-start. "Yes. A gift from my dad."
Tumango na lang ako.
Para maiwasan ang awkward ambiance na hindi ko alam kung bakit awkward ay pinilit ko ang sarili na matulog.
Narinig ko pa siyang nagpatugtog at bumuntong-hininga ngunit nanatili akong nakapikit.
"Ang bobo mo Theo."
Rinig kong bulong niya sa sarili bago ako tuluyang makatulog.
"Z?"
"Z?"
"Z?"
Bumangon ako nang marinig ang marahang paggising sa'kin ni Theo. Saglit pa akong natulala bago tuluyang bumaba sa sasakyan.
"Ang lamig." Yakap ko sa sarili. "Nasa'n tayo?" tanong ko.
"East Caroline," sagot nito habang inaayos ang jacket na suot ko.
"Ah." My eyes widened at the sudden realization. "East Caroline?"
I heard him chuckled.
It was a three-hour drive mula sa amin hanggang dito. Kaya pala nakaramdam na ako ng gutom.
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Roman d'amour"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.