Chapter 6

11 1 0
                                    

KASALUKUYAN akong nasa klase nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Mabuti na lang at nasa pinakadulo ako kaya't pasimple ko itong kinuha.

Theo:

San ka?

Me:

Secret.

Theo:

Sa'n nga?

Me:

Class. Why?

Theo:

Ano oras out mo?

Tinignan ko muna ang guro sa harap bago ako sumagot.

Me:

After 10 minutes.

Theo:

Cool. Baba ka agad.

I was about to reply when I noticed the  prof, looking at this way. Yumuko na lang ako para hindi mahalata.

Nang makitang tumayo ang guro ay naghanda na ako at inayos ang gamit.

"Dismiss."

Pagkalabas ng building ay nakasalubong ko pa si Lina. "Li-"

"Z!"

Naningkit ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses mula sa malayo.

Theo?

"Dito!"

I looked back and saw Theo, wearing a flannel shirt with a t-shirt inside and a jeans. Waving his right arm and his other arm was in his pocket.

Naglakad ako palapit dahil malilim naman sa puwesto niya. "What are you doing here?"

"Sinusundo ka?" he answered, unsure... and awkward.

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Napakamot naman ito sa batok at natawa, lalo tuloy lumiit yung mata niya. "Sinusundo ka," he answered again, this time with confidence.

"Bakit?"

"Wala lang, napadaan na rin kasi ako. I was about to go the company kaso naisip ko baka nasa school ka, so I asked you and I was right." Then he smiled triumphantly.

Napangiti ako, naiiling.

"AGAIN."

Crossing my arms, I strictly observed Ginny's moves. Parang may mali.

"Stop." Hindi ko na kaya kaya naman pinatigil ko na sila ni Theo.

May schedule kasi ngayon ang MAVIS kaya si Theo muna ang substitute ni Vince.

"May sakit ka ba?" tanong ko kay Ginny. Kanina pa siya wala sa kondisyon. Namumutla pa.

"Oo nga. Matamlay ka kaysa kahapon. You sure you okay?" Mukhang napansin rin ni Theo.

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon