Chapter 11

10 1 0
                                    

TUMAYO ako mula sa kinauupuan nang marinig na mag-ring ang phone ko. It's already 1:30 am at gising pa 'ko. This project was really driving me insane!

"Hello?" inaantok kong sagot.

"You awake?" Narinig ko si Theo mula sa kabilang linya.

"No. I'm sleeptalking," I dramatically said.

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Oh. You must wake-up then."

I rolled my eyes. "Really, what do you need?"

"Can't sleep." I heard him say. "You busy?"

Tinignan ko muna ang project na ginagawa bago sumagot. "No."

"Ready for a midnight drive?"

"Sure," nakangiti kong sagot.

"Wait for me."

"Ingat," sagot ko at ibinaba na ang tawag.

Iniligpit ko ang mga nakakalat na papel. I still have three days more to finish this project at malapit na naman akong matapos, hindi naman ako papayag sa midnight drive niya kung hindi pa.

It's been one week since MAVIS' comeback kaya hindi pa 'ko pinapupunta ni tito sa kompanya, sakto namang nagdagsa ang project ng mga minor subject na feeling major.

Narinig kong muling nag-vibrate cellphone kaya't tinignan ko ito't nakitang nag-text na si Theo.

Theo:

I'm here.

Me:

Ambilis mo. Wait for me.

Tinignan ko muna ang sarili kung ayos lang ba ang suot. It was just a midnight drive so I think a short and an oversized shirt would do?

I shrugged before fixing myself.

And... I was right, this would do. Si Theo nga naka green pajamas at shirt na pinatungan niya lang ng jacket.

"Sa'n tayo?" tanong ko pagkakita sa kaniya?

"Kahit saan?"

Umirap ako. "Sige, excited na 'ko makita kung saan 'yang kahit saan na 'yan."

Narinig ko siyang tumawa bago ako pagbuksan ng pinto ng kotse niya.

"Trust me on this one," natatawang sabi niya bago pinaandar ang sasakyan.

Meron siyang di nalalaman sa akin

Takot man ako sa heights

Walang magagawa dahil nandito na

Magkahalong kaba at pananabik

Ang tuntungang bumuhat sa amin

Kailanman ay di niya alam

Di pa umaangat, loob ko'y nahulog na

Pumaibabaw ang kanta ni Yeng Constantino na Ferris Wheel sa loob ng sasakyan. Matagal na'to, naalala ko pa nga lahat ng nakahihiyang senti moments ko sa kanta na 'to.

"Nice music," komento ko.

Ngumiti lang siya.

Sa piling mo ay nalulula

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon