Chapter 14

5 1 0
                                    

KAHAPON lang umalis si Theo, pero parang ang tagal na.

I kept on rolling on my bed as I held the pillow upwards. "Argh!" And let out an exasperated sigh before jumping out of my bed.

B... o... r... i... n... g...

If Theo was here, I was sure, we would go for a midnight drive. Drive to the convenience store and straight to the Graffiti place.

Kailangan mo ba si Theo lagi para kumain?

But, it would never be the same kapag hindi ko kasama si Theo.

Arte?

Eh--

Wait--

Why was I talking to myself? Siomai nababaliw na 'ko!

Lumabas ako ng apartmemt at dumiretso sa convenience store malapit. Kumuha ako ng dalawang malaking chips, isang litrong coke, UTI at its finest, at kung ano pang madampot ko na makakain.

Tulala ang cashier habang nagpa-punch pero mukhang attentive naman ito. Kawawa naman, mukhang inaantok.

"Hi miss. Bakit 'di ka muna umidlip? Gisingin na lang kita kapag may costumer na." Nginitian ko ang babae.

Umiling naman ito at ngumiti. "Hindi na. Parating na rin naman yung kapalit ko. Salamat."

Tumango-tango ako. "Hmm. Gisingin na lang kita kapag nandiyan na yung kapalit mo? Doon lang naman ako." Turo ko sa upuan malapit. "Ayoko pa rin namang umuwi." Ngumiti ulit ako.

"Bawal. May cctv," tumatawa nitong sabi.
Hinanap ko ang sinasabi niyang cctv at nang makita ay agad akong nagsalita, "harap mo yung upuan mo rito dali."

Nagtataka man ay sumunod ang babae.

Nang maiayos ang upuan ay itinulak ko siya, mahina lang naman, paupo. "Ayan tulog ka na. Sabi mo nga parating na rin naman yung kapalit mo."

Ngumiti ang cashier, ang ganda talaga nito, palagi ko siyang napapansin sa tuwing bumibili ako rito. Hindi pa masungit. "Salamat."

I nodded and went straight to the chair near the door. Inilabas ko na rin ang cellphone nag-surf sa social media.

Bigla namang nag-pop up ang mukha ni Xyline sa cellphone kaya't binuksan ko ito at natawa sa nakita.

X:

Enjoying.

Lalo akong natawa nang makita ang picture na naka-attach. She was holding two pink balloons each side while wearing black hoodie, black lipstick and her poker face, she was even sorrounded by pink balloons!

Me:

Ang saya mo naman diyan. HAHAHAHA.

Tumawa ako nang tahimik para hindi magising ang cashier nang sundan niya ito ng poker face emoji.

Me:

Sa'ng dako ka ng mundo?

X:

Marmalion.

Napailing na lang ako sa nabasa. Kung saan saan nagpupunta. Buti hindi 'to nauubusan ng pera.

Me:

Duga mo, may kasama ka tapos hindi ako. :<

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon