KINABUKASAN ay nagising akong may ngiti sa labi, kahit na mabigat pa rin ang kalooban.
Nakita ko ang laman ng box at wala namang importanteng laman ito.
Tsundere rin si mama eh. Walang kuwenta yung box, gusto niya lang akong makita.
Sige, managinip ka nang gising.
And also, Achie was right. I knew how media works pero hindi pa rin maalis sa isip ko, pa'no kung may iba nga? Kahit hindi si Ginny, pa'no kung iba? Hindi imposibleng magkagusto sa iba sa Theo. Pareho kaming walang assurance na binibigay sa isa't isa.
Bumangon ako nang makarinig ng katok mula sa labas.
"Wait!" sigaw ko.
I was shocked but I kept my calm face as I stare at Theo. "W-what are you doing here?"
He smiled sadly. "Ayos ka na ba?"
I shrugged.
Nagpamulsa ito. "I was calling you last night kaso un-attended." Huminga siya nang malalim. "Si Achie lang ang nagbigay sa'kin ng information tungkol sa nangyari sa'yo. Nang malaman ko yung balita, pumunta agad ako rito pero wala ka. Hayaan daw muna kita sabi ni Achie, kaya ngayon na lang ulit ako nagpunta."
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.
"A-"
"Theo ano bang gusto mo?"
Napatingin ito sa'kin.
Ngumiti ako, nararamdaman na ang luha. "Theo, nalilito na 'ko." I sighed. "It's been what? A month? Two? Since you told me you like me. Umasa 'ko Theo. You're giving me mix signals, you're always sweet to me, pero makikita ko, sweet ka rin sa iba." Natawa ako.
Yumuko ito. "Pero nalilito rin ako Z." Nag-angat ito ng tingin. "You're also giving me mix signals, you were sweet, you were jealous. Pero Z hindi ko alam kung para saan 'yon. Wala kang sinasabing kahit ano."
Tila napako naman ako sa kinatatayuan.
"I don't know how to act, basta ang alam ko gusto kita. Wala akong pake kung pinapaasa mo lang ako o ano basta gusto kita."
Say it please.
I was waiting for him to say the three words I've always wanted to hear but he kept on saying he liked me. Maybe, that's the extent of his feelings for me huh?
Pumikit ako. "Sa susunod na lang tayo mag-usap."
"P-"
I lowered my head, avoiding his eyes. Natatakot akong baka bigla ko na lang siyang yakapin. "Please," bulong ko.
Narinig kong bumagsak ang balikat niya at tumalikod.
Hindi ko na siya hinintay na umalis ay sinara ko na ang pinto. Dumausdos ako paupo sa sahig at hindi na napigilan ang luha na tumulo.
Akala ko kaya ko na siyang harapin, pero hindi pa pala. Akala ko kaya ko ng sabihin lahat ng nararamdaman ko.
Natatakot akong umamin na mahal ko siya lalo't alam kong gusto niya lang ako.
I didn't want to hold onto his 'I like you's' if I already love him.Ayokong pumasok sa isang relasyon na masaya pero ako lang yung nagmamahal. Pareho lang kaming masasaktan.
Nanatili akong nakayuko at nakasandal sa hamba ng pintuan nang may maramdaman akong malakas na puwersang tumulak sa'kin.
I just found myself kissing the floor.
"Ops. Sorry."
Sinamaan ko ng tingin ang lintik na trespassing sa apartment ko. "Anong kailangan mo na naman Ginny?"
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Romance"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.