Chapter 8

7 1 0
                                    

NAKAKAHIYA!

Nahimatay ako sa harap ni Theo!

"X, sumagot ka!"

The number--

Argh!

Ibinababa ko na lang ang cellphone sa sobrang inis dahil hindi sinasagot ni Xyline ang tawag.

"Z?"

Halos mapugto ang hininga ko sa gulat dahil sa narinig kong katok.

"Sino yan?"

"It's me."

Sio...mai...

Nataranta ako nang marinig ang boses ni Theo mula sa labas.

Anong ginagawa niya rito!?

"S-sandali!"

Nagmamadali kong binuksan ang pinto at inabutan ko siyang nakangit sa labas, wearing a gray shirt and a white pants, karaniwan niyang suot sa tuwing practice.

"A-anong ginagawa mo rito?" nakangiti kong tanong, hindi nagpapahalata sa kaba.

Nagulat ako nang bigla nitong iangat ang bitbit ng may ngiti sa labi. "Just making sure you eat. Para hindi ka na mahimatay."

Nanatili akong kalmado kahit na gusto ko ng mapapikit sa kahihiyan.

Sinong hindi mahihiya, may aamin sa'yo tapos mahihimatay ka? That was epic! So epic!

"Nakatulog ka naman ba?"

Tumango ako. "Oo. I just woke up to be honest."

Binuksan ko nang mas malaki ang pinto ng apartment para mas makapasok siya.

Pagkalapag ng nga gamit sa lamesa ay nagsalita ito, "sorry I left you last night. May emergency kasi sa bahay eh."

Nangunot ang noo sa sinabi niya. "Last night? Hindi kaninang umaga?"

Umiling ito.

"Sino yung nagluto niyan?" Turo ko sa lugaw na nasa lamesa.

Saglit siyang natahimik bago namuo ang ngiti sa labi niya. "Ah. Basta."

Hinampas ko siya sa braso. "Sino nga?"

Tumawa naman ito, umiiling pa. "Secret."

Sumimangot ako. "As if namang curious ako." Inirapan ko siya kaya't mas lalong lumakas ang tawa niya.

"Gusto mo talaga malaman?" He grinned.

Inirapan ko siya.

"Oo na. Si Ginny."

I stared at him for a second before laughing out loud. "Sino maniniwala sa'yo?"

He shook his head. "Sabi ko na hindi ka maniniwala eh."

Natawa ako.

Nagulat ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniupo sa harap ng mga pagkain. "T-teka, bibitayin ba 'ko pagkatapos nito?"

"Kailangan mong kumain at magpahinga, para hindi ka na-o-over fatigue."

Kumain na lang ako.

"Z!"

Halos hindi ako makahinga nang bigla akong yakapin ni Santi kaya naman hinampas ko siya sa braso. "Can't breathe!"

"Stop that Santi."

Bigla naman akong binitawan nito nang magsalita si Achie.

"Dahil wala si Ian, ikaw lang ang matino, nasaan si Theo?" tanong ko sa kaniya.

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon