HINDI naman pala mahirap kasama 'tong si Theo. He was actually nice. His ideas were far from what I have expected. Halata mong professional.
"Edi tatawagin na pala kitang kuya?" biro ko nang malamang mas matanda siya sa akin.
Natawa ako nang malukot ang mukha niya.
Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papunta sa graffiti place. Doon lang ang alam kong pwede naming tambayan bukod sa practice room. He said he wanted a new environment so might as well bring him here.
""Diba mag-do-doctor ka?" tanong ko.
Tumango ito.
"Hindi ba mahirap?" Tumingin ako sa kanya habang naglalakad ng patalikod, nakaharap sa kaniya. "I mean, you're working tapos pinagsasabay mo pa ng pagdo-doctor mo. Pa'no?"
Nagulat ako ng tumawa siya. Nakakatawa ba yung tanong ko?
Nagtataka akong nakatingin sa kaniya, naglalakad pa rin ng patalikod, nang bigla siyang pumunta sa likod ko, hinawakan ang magkabila kong balikat at iniikot ako paharap.
"Madadapa ka." Tulak niya sa'kin, hawak pa rin ako sa balikat.
Umirap ako.
Imbis na sumagot ay tinanong ako nito, "you're a student right?"
"Architecture to be exact," sagot ko.
"How can you work and study at the same time?" Kinailangan ko pang tumingala dahil ang takad niya nang ibalik niya ang tanong ko.
Nag-isip ako at sumagot nang hindi sigurado, "hmm. Time management?"
Theo smiled. "Then that's the answer," sagot niya at dire-deretsong naglakad habang napahinto ako sa daan.
Natauhan lang ako nang makitang nakalayo na siya. "Teka! Hindi mo alam yung daan!"
HUMINTO ako nang saktong nasa bungad na kami ng graffiti place.
"Nandito na tayo!"
His eyes wandered around the place and fixed his eyes at me. "Ah. Ikaw 'yon."
I pointed at myself, halata sa mukha ang pagtataka.
He nodded.
"Ang alin?"
Muli nitong inilibot ang tingin. "I actually know this place. Kanina ko pa nga iniisip na baka dito ka pupunta." Tumawa ito. "You think, hahayaan kong mauna nang hindi alam?"
"Eh ano yung 'ikaw 'yon' mo?" Sinubukan ko pang gayahin yung cute niyang boses.
Ewan, para sa'kin cute. Hindi naman sa cute na pambata pero hindi kasi siya singlalim ng boses ng mga lalaking nakakasalamuha ko.
"Ikaw yung babaeng laging sumasayaw dito."
Naestatwa ako sa kinatatayuan.
Inayos niya ang salamin na suot, pamporma. "Madalas kitang makita rito, mula sa malayo nga lang." Tinuro nito ang puwesto. "I was always here, exactly in this position everytime I see you tapos ikaw nandoon." Saka niya tinuro ang malayong banda ng graffiti place, parati kong puwesto. "Malayo kaya hindi ko makita yung mukha mo. As a respect, umaalis ako kapag natatanaw kita rito. I was thinking na baka mahiya ka kapag nakita mong may nanonood sa'yo."
I was touched by his actions but at the same time, nakakahiya. Hindi naman sa hindi niya pa 'ko nakikitang sumayaw. Parati kaming magkasama tapos yung pa trabaho namin. Duh. Kaso hindi pa kami magkakilala no'n, baka na-judge na niya 'ko.
Sa hiya ay tumawa na lang ako ng peke.
"P-pasok na tayo," sabi ko.
"HIJA, I know you're not in good terms with my daughter." Salubong sa'kin ng boss ko pagpasok sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
Moving Along The Beat
Romance"...babalik ako sa'yo. Susuyuin kita hanggang sa magustuhan mo rin ako." Would they move along the beat together? ____ Unedited. Cover image not mine.