Chapter 3

9 1 3
                                    

1 month later

"Zhyra. You don't need to think of a choreography anymore-"

Napabalikwas ako mula sa kama nang marinig 'yon sa boss ko. "Pero tito-"

"Listen first. You were busy these past few months. You're a student, remember that. You can still teach the idols ofcourse. But for this comeback, you will focus on teaching MAVIS but you will not make any choregraphy."

Naguguluhan ako sa pinagsasasabi ng boss ko sa totoo lang, naka-drugs ba 'to?
Kidding.

"But tito, who will do the choreography?" I asked.

"Remember the guy you met last month?"

"Po?"

Narinig ko itong napapitik sa ere mula sa telepono. "Ah. You didn't meet him. Nevermind. Just come to the company tomorrow. He will do all the choreography, and you will help him teach the boys. You're already close to them so I'm sure you can help him, just focus on your studies," sabi nito sa matigas na ingles.

I couldn't help but to sigh, hindi ako komportable nang may kasama.

"But-"

"Sir, it's time."

"Zhyra. Just come to the company tomorrow." And with that, he ended the call.

Ano ba yan!? Hindi man lang sinabi yung pangalan. Him ng him, sino kaya yung him na 'yon? Pahulaan ba 'to!?

Pagod akong tumayo para maghanda sa pagpasok. Atleast I slept for 30 minutes.

Inumpisahan ko munang plantsahin ang isusuot ko at nang matapos ay lumabas agad ako para kumain na lang. Ma-le-late na 'ko!

"Z. Pa'no ba 'to?" salubong sa'kin ni Yohan. Kaklase ko.

Tinignan ko naman ang pinakita niya. Ano 'to?

"Pareho ata tayong absent nang tinuro yan, Yo," natatawa kong biro.

Napahilamos ito ng mukha, stress ang loko. "Aish!"

Inilapag ko ang bag ko sa upuan saka siya tinanong. "Anong meron?"

Nilingon ako nito na gulat na gulat ang mukha. "May surprise quiz mamaya! I overheard our professors."

Napatanga ako sa kaniya. Holy siomai.

"Goodmorning."

Bumati kami pabalik at itinago na rin ni Yohan ang binabasa pagkarating ng guro.

Surprise quiz nga.




"AYON, over 50, thankfully, naka 20," kuwento ko kinabukasan kay Santi pagkarating ko sa kompanya.

Nagpunas muna ito ng bibig bago nagsalita. "Atleast 20, ako nga basic math noong high school, 15 over 70." Binuntunan niya pa ito ng malutong na tawa.

Natawa na rin ako dahil nakakatawa ang tawa niya. Mabuti nga't hindi 'to nabibilaukan sa kinakain.

"Oh, andiyan na pala sila."

"Yo!" bati ni Vince.

Tumango lang sa'kin si Ian at dire-deretsong umupo si Achie.

"Where's Mauie?" tanong ni Santi.

Sasagot sana si Ian nang saktong pumasok si Mauie na humuhulas at nakapikit. Akala siguro yung dating choreographer ang choreo nila ngayon. Masungit kasi 'yon, ayaw ng late.

"Sorry I'm late!"

Nagkatinginan kaming lahat bago nagtawanan. He looked like a kindergarten, standing straight and hands on his both sides

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon