Chapter 20

4 1 0
                                    

"THEO?"

Handa na ako sa pagbaba upang doon hanapin si Theo, nang makasalubong ko si Ginny.

"He already left. Kanina pa."

"Ah."

Agad niya 'kong tinalikuran ngunit hinawakan ko na agad siya sa braso bago pa siya tuluyang makaalis.

"Ah. Wait. Okay na ba yung sayaw?" I asked, unsure, but I was sure she understood that.

Ibinaba niya ang cellphone na hawak bago sumagot, "yup."

"Okay." Binitawan ko rin siya at umakyat na lang sa rooftop.

Umupo ako sa bench, iniisip pa rin kung nasa'n si Theo. Tawagan ko kaya? Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa saka siya tinawagan.

Nanatili sa tainga ko ang cellphone ng ilang segundo. Bakit hindi niya sinasagot?

I composed a message and send it to him.

Me:

Yuhoo. Where r u?


I tried calling him for the third time saka lang siya sumagot.

"Where are you?" salubong ko ng sagutin niya ang tawag.

I heard him catched his breath before answering, "somewhere?"

My brow immediately raised when I heard his answer. "Over the rainbow?"

Tumawa siya mula sa kabilang linya. "That was a good one, Z."

"Ano nga!?"

Muli siyang tumawa. "Hsjshdri"

Inalis ko mula sa tainga ang cellphone nang kung ano-anong sounds na lang ang narinig ko. "Hello!"

"Z. Ch--o-p--p--y"

"What!?" I shouted.

Sa inis ay ibinaba ko na lang ang cellphone at pinatay ito. Yes. I stabbed it to death.



"BAD mood?"

Nilingon ko si Vince nang pumasok ito sa kusina.

Umiling ako. "Gusto mo?" alok ko ng chocolate ice cream.

Umiling ito pabalik at dumiretso sa coffee maker.

"Kumusta ka?"

Nagulat naman itong tumingin sa'kin. "What? Araw-araw tayong magkasama ah," natatawa niyang sagot.

I shrugged. I also didn't know why I asked that. "Wala, don't mind me."

Natatawa siyang humigop ng kape. "Kayo ni Theo, kumusta?"

Napairap ako sa tanong niya bago sumagot, "ewan ko ba ro'n. Nakapatay na yung phone, hindi ko makausap, ayoko namang kulitin nang sobra, baka magalit."

Muli siyang tumawa at ibinaba ang tasa ng kape. "No. I mean, your relationship."

Tumitig ako sa ice cream sa lamesa. Kumusta nga ba kami?

"We're fine. Stronger than ever." I firmly said.

Vince just smirked.

"Yung--"

"Z."

Natigil kami sa pag-uusap ni Vince nang biglang pumasok si Ginny. Napansin ko ang pag-ayos ng upo ni Vince at pagtikhim, hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagnakaw niya ng tingin sa pumasok.

Moving Along The Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon