MADILIM na nang marating ni Savannah ang bayan ng San Antonio. Sa kabayanan sila ibinaba ng bus at mula roon ay tinawid niya ang kalsada para kumain ng hapunan sa namataan niyang pizza parlor sa kabilang street. Doon narin niya planong magtanong-tanong ng pwedeng upahang kwarto pansamantala habang naglalagi siya doon. Hindi na niya napansin ang isang lalaking kanina pa nakasunod ang tingin sa kanya. Papasok na siya ng kainan nang hablutin nito ang kaniyang bag at saka mabilis na kumaripas ng takbo.
Nagtitili si Savannah saka umakmang tatakbo rin para habulin ang masamang loob na humablot ng kanyang bag pero wala na iyon sa paningin niya. Noon siya napaiyak. Dayuhan lang siya sa lugar na iyon at nasa bag na iyon ang lahat ng cards at pera niya. Maging ang mga ID's niya, paano na siya ngayon? Lalo siyang napaluha.
"M-Miss, okay ka lang?" mula sa pagkakasandal sa pader ng isang convenience store ay narinig niyang tanong sa kanya ng boses ng isang lalaki.
Noon niya inalis ang mga kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha. Saka palang niya napuna ang ilang taong nakamasid pala sa kanya at posibleng nakakita ng pangyayari. "Okay ka lang ba Miss?" ang boses ulit kaya tumingala siya.
NAKITA ni Ronnie ang pagkabigla sa mukha ng babae nang marahil mamukhaan siya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nang magtama ang kanilang mga mata at nakita niya ang mga butil ng luha nito sa gilid niyon ay parang gusto niyang buntalin ng buntalin ang snatcher na umagaw sa bag ng babae.
"Nasaktan ka ba?" aniyang hinawakan ang braso nitong namumula nang dahil sa mabilisang pagkakahablot mula roon ng shoulder bag. "dadalhin kita sa ospital" pinal niyang sabi.
Noon tila takot na napaatras ang babae saka binawi ang sariling braso mula sa kanya. "Huwag kang matakot, hindi ako masamang tao" aniyang ngumiti rito ng may paniniyak. Saka palang niya nakitang napanatag ang balisa nitong mukha.
Marahil dahil narin sa pagkakatiyak na okay na ang babae ay isa-isa nang nag-alisan ang mga taong kanina ay kinakitaan niya ang matinding concern sa mukha. "Halika na?" ulit niya nang manatili itong tahimik at nakatingala lang sa kanya.
"I-I'm hungry" ang sa halip ay isinagot nito sa nanginginig pero malamyos na tinig. At kahit hindi niya aminin, naramdaman niya ang kakaibang haplos ng damdamin sa puso niya gawa boses nito.
Malapad siyang napangiti. "Ako rin, teka sandali" aniyang napatingin sa maletang hila-hila nito. "magbabakasyon ka ba rito?" hula niya.
Tumango ang babae. "Kaya lang wala na akong gagamiting pera. You know naroon sa bag ko ang lahat ng cash and cards ko, pati narin ID's ko" anitong gumagaralgal nanaman ang boses pagkatapos.
"Don't worry ako nang bahala sa'yo" aniyang tinitigan ng mata sa mata ang babae. "just trust me okay? Hindi ako masamang tao at willing akong tulungan ka" hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon pero dahil siguro iyon naman talaga ang nararamdaman niya para sa babae kaya hinayaan nalang niya.
"S-Salamat" anito sa kanya. At sa kauna-unahang pagkakataon after five years na huli niyang nasilayan ang ngiti ni Victoria bago ito binawian ng buhay sa harapan niya. Muli ay naramdaman niyang lumukso ang puso niya nang ngitian siya ng kaharap. "wow, a smile to keep" ang humahanga niyang sabi habang nanatiling nakatitig rito. "what's your name?" dugtong pa niya.
Noon lalong lumuwang ang pagkakangiti ng babae kasabay ng matinding pamumula ng mukha nito. "I'm Savannah, Savannah Manuel" anito.
"Ronnie Guevarra" aniyang inilahad ang kamay sa babae na tinanggap naman nito. "ilang taon kana, if you don't mind?" hindi niya napigilang itanong.
"I-I'm twenty three, i-ikaw?" tanong sagot ng dalaga.
"Twenty seven" sagot niyang ngiting-ngiti.
Hindi niya maipaliwanag kung saan siya kumuha ng lakas ng loob o ideya na itaas ang kamay nito at dampian ng simple halik ang likuran ng palad ni Savannah. Sa loob ng mahabang panahon matapos ang pagkawala ni Victoria ay sinubukan niyang ibaling ang atensyon sa maraming magagandang babaeng nagdaan sa buhay niya.
Sa maraming pagkakataon ay napupunan naman ng mga ito ang pangangailangan niya. Sa kama. Pero hindi ganito kasaya, at hindi ganito kakuntento. Kaya totoong nasosorpresa siya sa lahat ng nararamdaman niya dahil kay Savannah.
![](https://img.wattpad.com/cover/130957829-288-k519113.jpg)
BINABASA MO ANG
A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)
RomanceCOMPLETED Nang pagtaksilan siya ng lalaking dapat sana ay pakakasalan ay minabuti ni Savannah ang lumayo. Pero hindi niya maintindihan kung sadya ba siyang sinusundan ng kamalasan dahil ang paglayo niyang iyon ang naging dahilan kung kaya siya nahab...