"I THINK it would be better kung lilipat ka ng tirahan" matapos silang mamili ay niyaya niyang kumain muna sila ni Lenie sa isang kilalang restaurant at treat niya.
"Huh? You think so?" ang kaibigan niyang umangat pa ang magagandang kilay.
"Yeah" aniyang tumango-tango. "you know hindi natin hawak ang isip ni Julius, baka bigla kang balikan noon. Worried lang ako para sa'yo" pag-amin niya sa totoo niyang nararamdaman.
Sandaling tinitigan siya ni Lenie saka pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "Okay sige" matapos ang matagal na pananahimik ay sagot nito.
"DITO ko gustong kumain" ang malamyos na boses ng kasalukuyan niyang nobya na si Trish. Nasa mall sila noon dahil naipangako niyang ipagsa-shopping niya ito ngayong araw.
Nginitian ni Julius ang kasama babae saka hinawakan ang makipot nitong baywang. "Okay, then after nito gusto mo bang sumama sa unit ko?" ang malisyoso niyang tanong sabay angat ng sulok ng kanyang labi.
Nang-aakit na ngumiti si Trish. "Actually iyon naman talaga ang plano ko loverboy" saka nito sinundan ng mabining tawa ang sinabi.
Niyuko niya ang babae saka hinalikan sa mga labi bago iginiya papasok sa loob ng kainan. Para lang matigilan nang makilala ang dalawang babaeng masayang kumakain sa isang mesa hindi kalayuan sa kinatatayuan nilang entrance.
Savannah! Lenie!
"Hey, something wrong?" takang tanong sa kanya ni Trish.
Sandali niyang sinulyapan si Trish saka ito hinawakan sa braso. "Ayoko dito, sa ibang restaurant nalang tayo kumain" hindi niya napuna ang tigas ng tono ng kanyang tinig.
"O-Okay" ayon ng babae na sumunod nalang sa direksyong tinatahak niya.
You'll pay for this Lenie! You'll pay for this!
BINABASA MO ANG
A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)
DragosteCOMPLETED Nang pagtaksilan siya ng lalaking dapat sana ay pakakasalan ay minabuti ni Savannah ang lumayo. Pero hindi niya maintindihan kung sadya ba siyang sinusundan ng kamalasan dahil ang paglayo niyang iyon ang naging dahilan kung kaya siya nahab...