KINAGABIHAN dala ng pagod ay hindi rin naman niya natupad ang plano niyang maligo sa dagat kaya minabuti niyang magpahinga nalang ng maaga. Pero dahil fully-furnished ang lahat ng cottages ay nalibang siya ng husto sa panonood ng TV. Pasado alas-onse na ng gabi nang makarinig siya ng magkakasunod na katok. Nagsalubong ang mga kilay niya saka sinilip ang kumakatok sa bintana.
Agad na umahon ang matinding excitement sa dibdib niya nang makitang si Ronnie ang nakatayo roon. Walang pagdadalawang isip niyang binuksan ang pinto at pinatuloy ang binata. "Gabi na, bakit gising ka pa?" ang bungad pa nitong tanong sa kanya saka walang anumang naupo sa mahabang sofa kung saan siya nakahiga kanina.
Natawa siyang ng mahina sa tanong na iyon sa kaniya ng binata. "Ikaw bakit gising ka pa?" tanong-sagot niya saka itinulak pasara ang pinto.
Nangungusap ang mga mata siyang tinitigan ni Ronnie saka nito nakangiting iniabot sa kanya ang sarili nitong kamay. "Halika" anito.
Taka niyang tinanggap ang kamay ni Ronnie. Ilang sandali pa natagpuan nalang niya ang sariling nakaupo sa tabi nito habang nakahilig ang ulo sa balikat ng binata. "Hindi ako makatulog, iniisip kasi kita" pagkaraan ng mahabang katahimikan sa pagitan nila at tanging TV lang ang nag-iingay ay nagsalita ito.
"Lasing kana naman ba o nakainom lang?" tanong niyang tumawa ng mahina pagkatapos saka tiningala si Ronnie.
Nakita niyang rumehistro ang pinong hinanakit sa mga mata ng binata. "Ganoon ba ang iniisip mo sa akin? Hinahalikan kita kasi nakainom ako?" anitong nagbawi ng tingin pero nanatiling nakaakbay sa kanya. Nasa tono nito ang emosyon na nakita niya sa mata ni Ronnie.
"H-Hindi naman, ano ka ba" aniya sa tono na nagsisisi.
Noon siya nilingon ni Ronnie saka nakakaunawang nginitian. Kinabig siya nito saka masuyong hinalikan sa noo. "I understand, at hindi kita masisisi. Pasensya kana rin, dapat hindi ko sinabi iyon. Higit kanino man, ako ang talagang nakakaalam ng dahilan kung bakit ka nandito kaya dapat ako ang mas umiintindi sayo" ang mahaba nitong paliwanag.
"I'm okay, salamat nga pala sa lahat" ang tanging nasabi niya.
Nagkibit lang ng balikat nito si Ronnie saka maingat na hinaplos ang kaniyang pisngi. Nasa mga mata ng binata ang klase ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Kasama pa ang tila maliliit na apoy na naglalaro doon.
"Palagi kitang hinahanap alam mo ba?" sa mababang tono ay winika ni Ronnie.
Mabilis na nanuyo ang lalamunan ni Savannah sa sinabing iyon ng binata. "R-Ron" sa nanginginig na tono ay nasambit niya nang maramdaman niyang bumaba ang kamay ni Ronnie sa kaniyang leeg at doon nagpatuloy sa maingat na paghaplos.
"Hindi ko na kaya, Vannah" sa sinabing iyon ng binata ay mabilis niyang tinitigan ang mga mata nito. Agad niyang naramdaman ang matinding pag-iinit ng kaniyang mukha nang makita niya roon ang matindi nitong paghahangad para sa kanya. Sa kaisipang iyon ay napaka-sarap na uri ng kilabot ang mabilis na kumalat sa kabuuan niya kaya wala sa loob siyang napapikit.
"Be mine tonight" malakas na singhap ang pinakawalan niya nang ibulong ni Ronnie sa kanya ang mga salitang iyon. Saka palang niya napansin na iniisa-isa na pala ng binata ang butones ng suot niyang blusa. Ilang sandali pa sa hindi niya namamalayang paraan ay nagawa iyong ihulog ni Ronnie sa sahig na kawayan.
"Look at me" utos nito sa mababang tono nang umiwas siya ng tingin sa binata.
Walang salita siyang napasunod. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata habang tila nanunukso namang pinadaan ng binata ang hintuturo nito sa puno ng kaniyang dibdib at pagkatapos ay sa pagitan ng mga iyon. Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi gawa ng matinding kuryenteng nilikha ng ginagawang iyon ni Ronnie. Umakma siya pipikit pero mabilis siyang inunahan ng salita ng binata.
"Sa akin ka tumingin Vannah, gusto kong makita sa mga mata mo ang resulta ng lahat ng ginagawa ko" anito sa kanya.
Sa kabila ng matinding pagkailang na nararamdaman gaya ng dati ay sumunod siya. Kahit naman kasi sabihing nagkaroon siya ng nobyo ng mahigit dalawang taon ay hindi umabot sa ganito ang ginagawa nito. Kaya ngayon, masasabi niyang ang lahat ng kaligayahang ipinadarama sa kaniya ni Ronnie ay una at hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.
"Gusto ko silang makita" ang tinutukoy nito ay ang mga dibdib niya. "alisin natin ito" pagpapatuloy ng binata.
Nagtaas-baba ang dibdib ni Savannah nang maramdaman niya ang dalawang kamay ni Ronnie na abala sa pagkalas ng pagkakahook ng kaniyang bra. Hindi niya maintindihan pero gusto niya ang istilo ng binata kung paano pabibigayin ang isang babae. Dahil hindi pa man, sa mga titig at sinasabi pa lang nito, parang hindi na niya mahintay na maging isa silang dalawa.
Gaya ng gustong mangyari ni Ronnie ay nanatiling nakatingin at pinanonood niya ang bawat gawin ng binata. Pero iba na ang nangyari nang angkinin nito ang kaniyang mga labi at mariin siyang hinalikan. Kung pinlano ito ng binata kanina bago siya nito puntahan ay hindi na importante sa kanya. Dahil nang mga sandaling iyon isa lang ang sigurado siya. Gusto niya ang nangyayari at wala siyang planong itigil ito at pigilan ang binata sa lahat ng gusto nitong gawin sa kanya.
Kung sa kanilang dalawa ay maliit at sofa kaya hindi na nagtaka si Savannah nang hilahin siya ni Ronnie pababa sa sahig na kawayan habang nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Ang mga kamay ng lalaki ay abala sa paggalugad sa bawat parte ng katawan niya kaya nagkaroon narin siya ng idea kung paano tutugunin ang mga iyon.
Nang pakawalan ni Ronnie ang mga labi niya ay siya na mismo ang humila paitaas sa white shirt ng binata saka iyon inihagis kung saan. Pagkatapos ay tila mauubusan ng oras niyang inupuan ang dalawang hita ng binata paharap rito at buong pananabik itong hinalikan sa mga labi. Hindi na niya alintana ang pagkakadaiti ng husto ng mga dibdib niya sa katulad niya'y hubad naring itaas ng binata.
PARANG mawawala sa sarili niyang katinuan si Ronnie dahil narin sa ikinalos na iyon ni Savannah. Nang maramdaman ang matinding arousal niya ay lalong naging mariin ang paghalik niya sa babae. Hindi niya inasahan ang ganito katinding epekto sa kanya ng dalaga.
Oo at aware siya sa matinding atraksyong mayroon siya para rito mula nang una niya itong makita. Pero ang ganitong damdamin na hindi naman niya matatawag na pagnanasa ang totoong nagpapagulo ng isipan niya. Gusto niya itong angkinin, ngayon na mismo. Pero sa puso niya naroon ang kagustuhan niyang ipalasap sa dalaga ang klase ng kaligayahan na kaya niyang ipadama habang nagtatalik sila. Habang unti-unti niyang binibigyang katuparan ang pag-iisa nila. Narinig niya ang ungol na nakulong sa bibig nila nang simulang niyang suyuin ang dulo ng dibdib ng kaniig.
Sandali niyang pinakawalan ang mga labi ni Savannah saka iyon inilipat sa leeg nito pababa hanggang sa marating ng mga labi niya ang dibdib nito. Noon walang pagpapatumpik-tumpik niyang ikinulong sa naghahanap niyang bibig ang dulo niyon. Hindi niya maintindihan kung hinahamon ba siya ng mahihinang singhap at ungol ng dalaga. Dahil nagiging dahilan iyon para mas ma-inspire siyang ibigay niya rito ang alam niyang mas makapagpapaligaya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)
RomanceCOMPLETED Nang pagtaksilan siya ng lalaking dapat sana ay pakakasalan ay minabuti ni Savannah ang lumayo. Pero hindi niya maintindihan kung sadya ba siyang sinusundan ng kamalasan dahil ang paglayo niyang iyon ang naging dahilan kung kaya siya nahab...