"SINABI ko naman sa'yo hindi ba? Wala akong planong pakasalan ka. Si Savannah ang mahal ko at siya lang ang pakakasalan ko!" ang mariing sagot ni Julius kay Lenie nang hilingin ng huli na magkita at mag-usap sila ng lalaki.
"Pero paano ako? Ang bata? Ayokong lumaki siyang walang ama Julius" ang nagsusumamo niyang pakiusap sa kabila ng pakiramdam na maiiyak.
Tinawanan siya ng lalaki saka naiiling na inismiran. "Sana inisip mo iyan noong hinahayaan mo akong gamitin ka." insulto pa sa kanya ni Julius.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko Julius!" aniya sa nag-iinit na mukha dahil sa matinding galit.
"Tinatakot mo ba ako?" ang sarkastikong tanong ni Julius sa kaniya. "kahit lumuha ka pa ng dugo hindi mo na mababago ang desisyon ko. Ang batang iyan, paglabas ipapa-DNA Test ko muna, kapag napatunayan kong akin siya noon ko lang siya kikilalaning akin!" nasa tono ni Julius ang pinalidad at noon na nga siya tuluyang napaiyak.
"Please, I beg you, don't do this to me. Ayoko kong lumaki na walang pamilya ang anak ko" pakiusap niya sa mababang tono. "anong gusto mong gawin ko para pakasalan mo lang ako?"
Nakita niyang umaliwalas ang mukha ni Julius sa tanong niyang iyon. "Gagawin mo ang lahat?"
Suminghot siya at tumango. "Yes, pakasalan mo lang ako at kilalanin mo ang anak ko. I'll do anything" totoo iyon sa loob niya.
Desperada na siya marahil pero ito lang ang nakikita niyang dahilan para hindi siya magmukhang kahiya-hiya sa paningin ng mga magulang at pamilya niya. Ang totoo kasi kahit malaki na ang tiyan niyang limang buwan ay hindi parin alam ng parents niya na nasa Australia ang tungkol sa kundisyon niya. At dahil nga mag-isa siyang naiwan dito sa Pilipinas ay wala siyang ibang choice kundi ang resolbahin ang problema niya ng mag-isa.
Mahal niya si Julius. Ito ang unang lalaking minahal niya at ang unang lalaking pinagbigyan niya ng pagkakababae niya. Nang makilala niya ang binata ay hindi niya alam na commited ito sa iba. Nalaman nalang niya iyon tatlong buwan ng may nangyayari sa kanila at nang mga panahong iyon ay mahal na mahal na niya ang binata at hindi na niya kayang talikuran pa.
"Kung madadala mo sa akin si Savannah, baka sakaling magbago ang isipan ko. Malay mo hindi ko lang kilalanin ang anak mo, baka pakasalan pa kita?" nasa tono man ni Julius ang sarcasm ay minabuti niyang huwag nang pansinin iyon. Dahil nang mga sandaling iyon isa lang ang importante sa kanya, ang maayos niya ang problema niya.
GAYA ng gustong mangyari ni Ronnie ay pansamantala muna siyang lumipat at namirmihan sa mismong condo unit ng binata. Kung hanggang kailan siya roon, hindi niya alam. Ang totoo, hindi lang niya inaamin kay Ronnie pero matindi rin ang takot na nararamdaman niya sa kung ano ba ang kaya at posibleng gawin sa kaniya ni Julius at maging ang pagbabantang lumabas sa bibig nito.
"Dalawa ang kwarto nito, tig-isa tayo" ang binata nang maibaba nito ang mga maleta niya at patuluyin siya sa loob ng unit.
"Ang ganda naman nitong unit mo, malaki" aniyang hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid.
Ang lahat ng gamit ay modern at salamin ng karangyaan. Hindi naman siya nagtaka, nakikita niya sa kilos at way ng pananalita ni Ronnie kung gaano ito ka-successful sa buhay.
"Nagustuhan mo?" ang tanong ng binata sa nasisiyahang tinig.
Tumango-tango siya at saka nakangiting nilinga ang binata. "Yeah, very much" pagsasabi niya ng totoo.
Nakita niyang lalong lumapad ang ngiti ni Ronnie sa sinabi niyang iyon. "May bahay naman kasi kami sa probinsya, at dahil solong anak ako siguradong sa akin rin mapupunta iyon someday. Kaya ganito nalang ang binili ko" paliwanag sa kanya ni Ronnie na nagtuloy sa kusina.
Sinundan niya ang binata na nakita niyang naglabas ng pagkain sa ref. "Feel at home okay? Kapag nagugutom ka kumain ka lang. And since hindi naman ako umaalis, ihahatid at susunduin nalang din kita from work everyday."
"Naku huwag na, nakakahiya naman sa'yo" mabilis niyang protesta sa gustong mangyari ng binata.
Noon siya tinitigan ni Ronnie saka makahulugan ang ngiting umangat ang sulok ng mga labi. "Ngayon ka pa ba mahihiya eh ilang beses nang..." anitong ibinitin pa ang gustong sabihin.
Mabilis siyang namula nang makuha ang ibig ipakahulugan ng binata roon. "Tumigil ka nga!" aniyang hindi napigilan ang matawa nang may kahalong kilig.
Pero hindi tumawa si Ronnie at sa halip sa dalawang malalaking hakbang ay natagpuan nalang niya ang binatang nakatayo sa harapan niya. Walang anumang salita siya nitong itinayo at pagkatapos ay iniupo sa pag-apatang mesa. Lalong naghurumentado ang dibdib niya gawa ng pinaghalong kaba at excitement.
"I-try natin dito?" si Ronnie matapos ang mahaba nitong pananahimik.
Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil ang mga iyon nang halikan siya ng binata. At gaya ng dati nararamdaman niya ang kawalan niya ng kakayahang tanggihan ang anumang naisin nito kaya muli siyang nagpaubaya.
Kung gaano katagal bago nilubayan ni Ronnie ang mga labi niya ay hindi niya alam. Pero nagkaroon siya ng pagkakataog sumagap ng hangin nang pakawalan ang mga iyon ng binata dahil lumipat ang maiinit nitong halik pababa sa kanyang leeg. Noon siya malakas na napasinghap.
Sa nagmamadaling paraan ay naramdaman niya ang pagsisikap ng binata na kalasin isa-isa ang pagkakabutones ng kanyang blusa. Pero may palagay siyang nainip si Ronnie kaya hindi na siya nagtaka nang marinig niyang nagtalsikan ang butones ng kanyang damit sa sahig.
"Anong ginawa mo sakin Savannah? Tell me?" anas ni Ronnie saka siyang tinitigan ng mata sa mata.
Magkakasunod ang hiningang pinakawalan niya nang makita ang lagablab ng maliliit na apoy sa magagandang mata ng binata. Iyon narin ang nakita niyang dahilan kung kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na siya mismo ang umangkin sa mga labi nito para sa isang mapusok na halik.
Ilang sandali pa at muli ay binigyang katuparan na nga ng binata ang pag-iisa nila. Malakas siyang napasinghap nang maramdaman niya ang pag-angkin nito sa kanya. Gustuhin man niyang manahimik ay hindi niya nagawa. Iba ang paraang ginagawa sa kanya nang mga sandaling iyon ni Ronnie kaya maging siya ay naging agresibo narin sa paraang alam niya.
"You're great" ang hinihingal at nasisiyahang turan nang binata makalipas ang ilang sandali pero nanatili parin ito sa ayos nila at hindi kumikilos.
Noon may kapilyahan siyang ngumiti saka nagsalita. "Magaling ang teacher ko eh" aniyang sinundan ang sinabi ng isang mabining tawa.
"Really?" tanong sa kaniya ni Ronnie saka siya binuhat.
Ilang sandali pa at naramdaman na naman niya ang arousal nito sa loob niya mismo. "Oh Ron" ang tanging nasabi niya habang buhat siyang tinutudyo ng binata. "s-saan mo ako dadalhin?" ang naitanong niya na nasundan pa ng isang mahinang singhap.
Hindi sumagot ang binata at sa halip ay ibinagsak siya sa kama habang nanatili itong nakaibabaw sa kanya. "I want you again" anitong unti-unting binilisan ang paggalaw. "tell me, gusto mo rin ito hindi ba?"
Napapikit siya sa tindi ng kaligayahang naramdaman dahil sa paraan ng pag-angking iyon sa kanya ni Ronnie. Kaya naman parang wala sa sariling inabot niya ito at mariing hinalikan sa mga labi. "Yes, I want you wanting me" aniya. "I want you so much Ron, so much" dugtong pa niya saka pikit-matang sinalubong at tinugon ang lahat ng ginagawa sa kaniya ng binata.
BINABASA MO ANG
A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)
DragosteCOMPLETED Nang pagtaksilan siya ng lalaking dapat sana ay pakakasalan ay minabuti ni Savannah ang lumayo. Pero hindi niya maintindihan kung sadya ba siyang sinusundan ng kamalasan dahil ang paglayo niyang iyon ang naging dahilan kung kaya siya nahab...