Part 15

603 27 0
                                    

GINISING si Savannah ng ingay ng mga kubyertos kinagabihan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon saka napunang wala na sa tabi niya si Ronnie. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang maisip ang posibleng ginagawa ng binata sa kusina. Agad na humaplos ang mainit na damdamin sa puso niya dahil doon.

Bumangon lang siya at nagtuloy sa banyo at madaling naligo. Nang makalabas ay nabungaran niya ang binata na naghahain na ng pagkain sa mesa. Nag-init ang mga mata niya pero pinigil niya ang mapaluha. Paano naman kasi, sa dalawang taon na pagiging magnobyo nila noon ni Julius, kahit minsan ay hindi niya naranasan ang ganito. Pero si Ronnie, hindi na niya kailangan pang sabihin sa binata dahil mukhang alam naman nito kung ano ang totoong gusto niya at magpapasaya sa kanya.

"Hey, just in time. Halika na" ang binata na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

Kumilos siya at naupo. Ilang sandali pa ay masaya na nilang kumakain ng hapunan. Masarap magluto ang binata at nabusog siya ng husto. "Paano mo nga pala nalaman ang address ko?" naghuhugas na siya ng plato nang maisipan niyang itanong iyon sa binata.

"Ay oo nga pala" si Ronnie sa tono na parang may biglang naalala. "kukunin ko lang, nandoon sa sasakyan" anitong tumatawa pa.

PAGBUKAS ng pinto ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Ronnie nang bumulaga sa kanya ang isang lalaking nakita niyang umakma namang kakatok. At gaya niya, nasa mukha rin nito ang tanong na sino ito?

Ilang sandali rin silang nagtitigan ng lalaki nang biglang lumabas si Savannah at natigilan. Noon na nga pumasok sa isip niya na baka ito si Julius. Agad na nilamon ng hindi maipaliwanag na selos ang dibdib ni Ronnie.

"Anong ginagawa mo dito?" ang pormal na tanong ni Savannah sa lalaki.

"Gusto kitang makausap. Ilang araw na akong pabalik-balik dito pero wala ka, saan ka ba nagpunta?" tanong ng lalaki.

Nakita niyang lumarawan sa magandang mukha ni Savannah ang galit. Iyon lang ay sapat na para makumpirma niyang si Julius nga ang lalaki. "Wala na tayong dapat na pag-usapan Julius, umalis kana" taboy ng dalaga rito.

"Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito? Hindi ka ba nanghihinayang sa dalawang taong pinagsamahan natin? Saka isa pa," noon siya nilingon ng lalaki at sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. "sino naman ang isang ito? Bakit ang bilis mo naman yata akong napalitan?"

Nagtaas-baba ang dibdib ni Ronnie sa narinig pero minabuti niyang huwag patulan ang lalaki. Kahit kailan ay mas sanay siyang pinaiiral ang diplomasya at hinahon. At iyon ang nakikita niyang mas makabubuti sa ganitong mga pagkakataon.

NANG makita niya ang makahulugang tingin sa kanya ni Ronnie ay agad na siyang nagsalita. "Kaibigan ko. Saka ano bang pakealam mo? Umalis kana nga dito" muli ay taboy niya sa dating nobyo.

"Hindi ako aalis rito nang hindi tayo nagkakausap" ang matigas na tanggi ni Julius.

"Umalis kana! Ayoko nang makita ka, tapos na tayo at gaya ng sinabi ko sayo noon, ang anak mo nalang ang paglaanan mo ng panahon. Huwag ako dahil wala na akong planong makipagbalikan sa'yo."

"Umalis kana p're" nang marahil hindi makatiis ay mahinahon na sabad ni Ronnie sa usapan.

Nakakaloko ang tawang pinakawalan ni Julius saka nito walang anumang salitang inundayan ng suntok si Ronnie. Napatili siya at mabilis na dinaluhan ang huli. "Lumayas kana! Kapag hindi ka umalis ipapu-pulis kita!" ang galit na galit niyang sigaw.

Nakita niyang lumarawan sa mukha ni Julius ang matinding poot habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Ronnie na bahagyang nasugatan ang gilid ng labi. "Ngayon mo sabihin sakin na kaibigan mo lang ang lalaking iyan" anito. "makinig ka Savannah, hindi ako titigil hangga't hindi kita nababawi. Dahil mas gugustuhin ko pang makita kang isang malamig na bangkay, kaysa pakinabangan at mapunta ka pa sa iba" banta ni Julius bago sila nito iniwan.

"AYOS lang ako ano ka ba" ang natatawang winika sa kanya ni Ronnie matapos niyang gamutin ang sugat sa gilid ng labi nito. "kiss lang ang katapat nito" biro pa ng binata saka siya mabilis na dinampian ng halik sa labi.

Napasinghap siya sa pagkabigla at sa kalaunan ay natawa narin. "I'm sorry" aniya.

Ngumiti si Ronnie. "Wala ito, okay lang ako" paniniyak pa ng binata.

"And also, salamat dito" ang tinutukoy niya ay ang mga gamit niyang ibinalik sa kanya ni Ronnie. "oo nga pala, pwede bang ikaw nalang ang maghatid kay Tita Erlie nung perang nahiram ko? Saka magbabayad narin ako ng utang ko sa'yo" aniya sa nahihiyang tono.

"Okay na, naibalik ko na kay Tita iyong hiram mo. And also, yung tungkol sa pera, okay na iyon. Hayaan mo na kasi wala naman akong planong singilin pa sa'yo ang mga iyon. Tinulungan kita ng bukal sa loob ko at hindi ako humihingi ng kahit anong kabayaran" ang mahabang paliwanag ni Ronnie.

Nanlaki ang mga mata ni Savannah sa narinig. "Okay ka lang? Hindi birong pera iyon ah!" aniya.

"I told you, okay lang at hindi mo na ako kailangang bayaran" giit pa ng binata sa tonong may pinalidad. "but I think hindi kana masyadong safe sa bahay na ito" biglang pag-iiba ni Ronnie ng usapan.

"What?"

"Kung okay lang, I know a place na pwede mong tirhan ng libre. Doon safe ka at hindi kana magugulo ni Julius" anito sa kanya.

"Ano ka ba, hindi mo na kailangang gawin iyon. Sobra-sobra na ang naitulong mo sakin" aniya.

Magkakasunod na umiling si Ronnie saka pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at hinalikan. "Please? Hindi ako matatahimik kung maiiwan ka dito. Sumama ka sa'kin and I promise to take good care of you"

Humaplos ang mainit na damdamin sa puso ni Savannah dahil sa sinabing iyon ni Ronnie. Hindi niya maintindihan kung bakit kapag ito ang humingi ay nahihirapan siyang panindigan ang desisyon niya. Dahil ba masyado na nitong nakuha ang tiwala niya? O dahil nahuhulog na siya sa binata?

"H-Hanggang kailan?" ang tanong niya.

"Hanggang kailan ka titira sa akin o hanggang kailan kita kayang alagaan?" ang nakangiting tanong ng binata saka masuyong hinaplos ang kaniyang mukha.

Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi sa tanong na iyon ng binata. "P-Pareho" sagot niya.

Nangingislap ang mga matang pinagdikit ni Ronnie ang mga noo nila saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "Sinabi ko naman sa'yo hindi ba? Wala na akong planong pakawalan ka. Iyon, iyon ang sagot ko sa tanong mo" anitong pagkasabi ay tuluyan na ngang inangkin ang kaniyang mga labi.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon