Part 14

580 24 0
                                    

NAIILING na ibinagsak ni Ronnie ang sarili pahiga sa kanyang kama saka bumuntong hininga. Kagabi pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay may sinaglit lang siya sandali sa mall. Excited siya kahit alam niyang walang katiyakan na tatanggapin iyon ni Savannah. Pero iba ang nangyari nang makauwi siya at mapag-alaman sa tiyahin niyang nakaalis na ang dalaga.

Cellphone number lang ang iniwan nito kay Tita Erlie at hindi naman naka-indicate doon ang address ng dalaga. Ang tanging chance nalang niya ay ang address ng pinapasukan nitong opisina na minsan narin namang nabanggit ng babae. Pero wala siyang idea kung kailan niya matityepuhan doon si Savannah dahil ayon narin sa tiyahin niya. Naaksidente ang ama nito at malamang ay magtagal sa Laguna ang dalaga.

Kagabi pa niya ito tinatawagan pero pirming hindi nito sinasagot ang tawag niya. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali rito maliban sa nangyari sa kanila noong gabing magswimming sila. Pero hindi niya iyon tinitingnan na kamalian dahil para sa kanya isa iyon sa mga pinakamagagandang nangyari sa buhay niya matapos ang limang taon.

Tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang nagpabangon kay Ronnie ilang sandali pagkatapos. "Tita" aniya.

"May mga pulis sa labas, hinahanap ka" ang tiyahin niya.

"Bakit raw?" taka niyang tanong saka pilit na inalala kung ano ang posibleng dahilan ng pagbisita ng mga pulis sa bahay ng tiyahin niya.

"Hindi ko na naitanong" ang maikli nitong sagot saka na siya tinalikuran.

Sa sala inabutan niyang naghihintay sa kanya ang dalawang unipormadong pulis. Nagpakilala ito sa kanya at saka siya kinamayan. "Pasensya na sa abala Mr. Guevarra, pero nandito lang kami para isauli ang mga ito sa inyo" anitong iniabot ang isang paper bag sa kanya.

Tinanggap niya iyon saka sinilip ang laman. "Yeah?" aniya.

"Iyan po ang mga gamit ni Miss Savannah Manuel, nakita po iyan ng isang concern citizen na itinapon sa isang bakanteng lote at dinala sa amin para maisauli sa may-ari" paliwanag sa kanya ng isa sa dalawang pulis.

Maluwang na napangiti si Ronnie kasabay ang biglang pagtahip ng kanyang dibdib. "Salamat, maraming salamat" aniya.

"Walang anuman po, mauuna na po kami" paalam ng pulis sa kanya.

Nang makaalis ang mga ito ay agad niyang dinala sa kwarto niya ang bag. Maliban sa pera at cellphone, mukhang wala nang ibang nawala sa mga gamit ni Savannah. Umaasa siyang may makikita siyang address sa kahit alin man sa mga ID roon ng dalaga at hindi nga siya nagkamali.

Maluwang siyang napangiti habang nakatitig sa Postal ID ni Savannah. Saka pagkatapos ay buong pananabik na hinaplos niya ang nakangiti at maganda nitong litrato roon. Nang hindi makatiis ay inilapit niya iyon sa kanya mga labi at hinalikan.

Magkikita na ulit tayo, at sa pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala ulit.

"HINDI ko alam ang iisipin ko pero mabuti narin iyon, pagkakataon narin ang gumawa ng paraan para mailayo ka sa isang manlolokong katulad niya" si Julius ang tinutukoy ng Mama niya.

Dahil nga minor injuries lang at clear ang lahat ng test na isinagawa sa ama niyang si Noli ay minabuti nilang iuwi narin ito sa kanila ayon narin sa payo ng doktor. Nasa kusina sila noon at kasalukuyan niyang tinutulungan sa paghahanda ng hapunan ang kaniyang ina.

"Yeah, anyway sorry kung hindi ko nasabi sa inyo" hingi niya ng paumanhin. "sana huwag na muna ninyo sasabihin ang tungkol dito kay Papa. Baka kasi makasama sa kanya although okay naman siya. Ayaw ko lang siyang ma-stress" pakiusap niya sa ina.

Tumango ng magkakasunod ang Mama niya. "Kailan ang balik mo sa Maynila?" pag-iiba nito ng usapan.

Nagkibit muna siya ng balikat bago sumagot. "Bukas siguro ng hapon. Tutal okay naman si Papa, at least wala na akong aalalahanin. Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin doon pagbalik ko" paliwanag niya sa ina.

"Hayaan mo at sasabihan ko ang kuya mo na ihatid ka" ang Mama niya.

"Hindi na Ma, hayaan mo na si kuya na magpahinga. I'll be fine" aniyang binigyan ng ngiting may katiyakan ang kanya Mama.

"ANONG__" hindi na natapos ni Savannah ang gustong sabihin nang tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng apartment niya si Ronnie.

Hinila ng binata ang braso niya saka nagmamadaling ikinandado ang pinto. "I'm glad you're back" anitong hinapit ang baywang niya saka idinikit sa pintuan ang kanyang likuran.

Agad na nagtumindi ang nerbiyos sa dibdib ni Savannah. Ang totoo kararating lang niya kaninang hapon mula Laguna. "K-Kararating ko lang din" aniyang pilit na inilalayo ang sarili kay Ronnie. "please pakawalan mo ako" sumamo niya saka iniiwas ang mukha sa binata nang mapuna niya ang maliit na distansyang mayroon sila.

"Bakit ka umalis?" ang sa wakas ay isinatinig nito.

Malakas siyang napasinghap nang masamyo niya ang mabangong hininga ni Ronnie. "Pasensya na pero biglaan kasi iyon" aniyang muling sinubukang kumawala pero bigo siya dahil lalong humigpit ang pagkakahapit sa kaniya ng binata.

"Stop fighting" ani Ronnie na idinikit ng husto ang katawan sa kanya. Lalong higit ang unahan ng pantalon nito sa kanyang pagkabigla.

"Oh Ronnie!" ang naibulalas niya nang maramdaman ang ang unti-unting pagkabuhay ng bagay sa pagitan ng mga hita ng binata dahil mabilis naring naitaas ni Ronnie ang bestida niya. Mabilis siyang pinamulahan dahil doon.

Umangat ang sulok ng labi ni Ronnie. Pagkatapos ay nangingislap ang mga mata nitong sinuyod ng tingin ang kanyang mukha saka muling nagsalita. "I'm hungry" anito.

Wala sa loob siyang napangiti sa sinabing iyon ng binata. "S-Sige, ipagluluto kita ng dinner, dito kana kumain" alok niya.

"Talaga?"

Tumango-tango siya. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero naunahan siya ng binata. Napansin niyang iginala ni Ronnie ang paningin nito sandali sa kabuuan ng kanyang apartment pagkatapos. "Nasaan ang kwarto mo?" tanong nito nang maibalik ang paningin sa kanya.

Agad naman niya iyong itinuro sa kabila ng namumuong pagtataka. "Gusto mo bang magpahinga? Teka, galing ka ba ng San Antonio?"

Walang anumang salita siyang hinila ni Ronnie papasok sa kwarto niya. Pagkatapos ay nagmamadali nitong inilapat ang pinto pasara. Sa kanyang pagkabigla ay kusa nalang siyang napapikit nang maramdaman niya ang mga labi ni Ronnie sa kanya. At dahil narin sa ginising ng halik na iyon ang matinding pangungulila niya sa bintana ay masuyo rin niyang tinugon ang ginagawa sa kanya ni Ronnie.

"A-Akala ko ba nagugutom ka?" ang hinihingal niyang tanong.

Noon niya napansin ang tila maliliit na apoy sa mga mata ng binata. "Oo, pero mamaya na iyon. Ikaw muna ang kakainin ko" ang nanunuksong sagot nito saka siya muling hinalikan. Mas mainit at mas mapusok kaya tuluyan na nga siyang natangay at nawala sa sarili niyang katinuan.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon