Part 13

595 22 0
                                    

NAGISING si Savannah kinaumagahan na wala na sa tabi niya si Ronnie. Ang ipinagkaiba pa ay sa kama na nasa kwarto na siya nakahiga. Bihis narin siya. Sa huling naisip ay mabilis siyang pinamulahan. Naligo lang siya at nang makapag-ayos ay lumabas na siya at tinungo ang cottage kung saan nakita niyang nakahanda na ang almusal.

"Good morning po" bating bungad niya sa dalawang matanda saka pasimpleng hinanap ng kaniyang mga mata si Ronnie.

"Hindi pa bumababa si Ronnie" nagulat siya sa sinabing iyon ni Tita Erlie. Nang magtama ang paningin nila ay nakita niyang nakatitig pala ito sa kanyang mukha.

"Maupo kana at magkape" si Aling Saling na inilapag sa harapan niya ang tasa ng mainit na kape. Sumunod siya. Ilang sandali palang ang nakalilipas at namataan na niyang palapit si Ronnie. Kaagapay nito sa paglalakad si Lara. Doon kinurot ng selos ang dibdib niya na agad ring nahugasan nang ngitian at makahulugan siyang tinitigan ng binata.

"Good morning" ang binata nang makalapit at sa kanya nakatuon ang paningin. "kumusta ang tulog mo Vannah?" anitong makahulugan ang titig pa siyang nginitian matapos ang meaningful na tanong na iyon.

Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib saka minabuting humigop na muna ng kape saka sumagot. "O-Okay naman" aniyang hindi nagawang pigilan ang panginginig ng tinig.

Tumango-tango ang binata habang nanatiling nakangiting nakatitig sa kanya at nangingislap ang mga mata. "Mabuti naman, kailangan mo iyon kasi napagod ka ng husto" nasa tono ni Ronnie ang panunukso kaya mabilis siyang napatitig rito.

Pasimple niyang tinitigan ng masama ang binata. Pero sa halip ay lalong lumapad ang pagkakangiti nito saka pa siya kinindatan. Sa huling ginawi ni Ronnie ay nag-init ng husto ang kanyang mukha. At gaya nang mga nakalipas na, wala siyang maramdamang anumang galit o pagkainis kay Ronnie. Sa halip ay pirming kilig ang hatid ng lahat ng ginagawa nito sa kanya.

Bago mananghali ay nakabyahe na sila pauwi. Nasa halos dalawang oras din ang byahe kaya hindi niya namalayan na nakatulog siya. Nagulat pa siya nang maramdaman ang mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Si Ronnie ang nagisingan niya.

"Nandito na tayo" anitong malagkit ang titig sa kaniya saka matamis na ngumiti.

Kasabay ng matinding kabog ng kanyang dibdib ay ang agarang panunuyo rin ng kaniyang lalamunan. Minabuti niyang ilayo ang sarili sa binata. "I'm sorry nakatulog ako" aniyang inayos ang sarili. Noon lang din niya napuna na silang dalawa nalang pala roon ng binata.

"Sa bayan na bumaba si Lara kanina, babalik na siya ng Maynila at nasa terminal ng bus ang sundo niya" nang mahulaan marahil ng binata ang iniisip niya dahil sa paggala ng paningin niya sa labas ng sasakyan.

Tumango-tango siya saka na umakmang bababa pero natigilan siya saka parang nakuryenteng bigla nang hawakan ni Ronnie ang braso niya. Iyon ang dahilan kaya napigil ang kanyang mga kilos. "Listen, iyong kagabi, gusto ko lang malaman mo na willing akong panagutan ka" ang walang gatol pero pabulong na winika sa kanya ng lalaki.

Nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan si Ronnie. Umaasa siyang makikita niya sa mga mata nito ang biro pero bigo siya. "W-what?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

"Magpakasal tayo, pagluwas natin ng Maynila tumuloy tayo sa parents mo. Hihingin ko na ang kamay mo sa kanila. Gusto kitang panagutan lalo na't ako ang__"

Mabilis niyang pinutol ang anumang gusto pang sabihin ng binata. "I'm sure hindi ako ang unang virgin na babaeng nakatalik mo hindi ba?"

"Y-Yeah, maybe. Pero__"

Tumawa siya ng mahina. "So how come sila hindi mo inalok ng kasal?"

"Wala akong naramdamang kakaiba sa kanila, pero sa'yo mayroon, kaya ayokong mawala ka" paliwanag nito.

Umiling siya. "Hindi tamang magpakasal tayo ng dahil lang sa nangyari. You know sagrado sa akin ang kasal. Kaya naniniwala ako na kailangan ang taong alam mong hindi mo pagsasawaang makita araw-araw ang pag-alayan mo ng ganoon. Hindi ang isang kagaya ko na kailan mo lang nakilala" ang mahaba niyang paliwanag.

"Vannah, please? Huwag mong gawing mahirap ang lahat. Marry me" ang nakikiusap na sagot muli sa kanya ni Ronnie.

Umiling siya saka umiwas ng tingin kay Ronnie. "My decision is final, sana igalang mo nalang" aniyang bumaba na ng tuluyan.

KUNG bakit siya nasasaktan sa naging desisyong iyon Savannah ay hindi rin niya maintindihan. Malungkot at napabuntong hininga siya habang sinusundan ng tingin ang papasok na dalaga. Dalawa lang ang nakikita niyang dahilan kung bakit gusto niyang pakasalan si Savannah. Una ay dahil ayaw niya itong mawala sa kanya. Pangalawa, doon natigilan ang binata. Masyado pang maaga pero gaya narin ng sinabi niya noon, mukhang doon narin naman talaga siya papunta.

Pasado alas-otso na ng gabi nang makatanggap ng tawag si Savannah mula sa nanay niya. Naaksidente raw ang tatay niyang si Noli. Ayon sa ina niyang si Wilma ay maayos narin naman daw ang lagay nito. Minor injuries lang, malaking bagay na naka-seatbelt ang Papa niya nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa malaking puno ang minamaneho nitong kotse.

Matapos ang pag-uusap nila ng nanay niya ay minabuti niyang kausapin si Tita Erlie nang gabi ring iyon. "Walang problema anak, pero paano iyan, umalis si Ronnie at may sinaglit lang daw sa mall? Sinong maghahatid sa iyo sa Maynila?" ang ginang na iniabot sa kanya ang malaking halaga ng pera na gagamitin niyang pamasahe pauwi ng Laguna.

Umiling siya. "Magko-commute nalang po ako. Tutal nasa akin naman na ang account number ninyo, ide-deposit ko nalang one of these days?" aniyang tumayo at niyakap ang matanda.

Ginantihan siya ng yakap ng ginang. "Sigurado ka ba na ayaw mo nang hintayin pa si Ronnie?"

"Okay lang po ako. By the way maraming salamat po sa pagtitiwala ninyo" aniyang iniabot kay Tita Erlie ang maliit na papel kung saan niya isinulat ang cellphone number niya.

"Walang anuman hija" anitong tinapik pa ng mahina ang pisngi niya.

GINAWA lang niyang mabilis ang pagbibihis niya dahil bukod sa gusto na niyang makita ang Papa niya ay ayaw narin niyang abutan pa siya roon ni Ronnie. Hindi niya maintindihan pero simula nang alukin siya ng kasal kanina ng binata ay pirmi nang gumulo ang isipan niya.

Minabuti niyang tingnan ang pangyayari ito bilang sign na pagkakataon na ang gumagawa ng paraan para magkalayo ang landas nila ng binata. May palagay kasi siyang kapag ipinagpatuloy niya ang communication rito, hindi malayong ma-double murder ang puso niya.

Napangiti siya sa huling naisip. Ngayon tiyak niyang wala na nga si Julius sa puso niya. Pero hindi rin niya maitatanggi na si Ronnie ang dahilan kung bakit naging posible iyon. At hindi rin niya mapasisinungalingan na ito na ngayon ang pirming laman ng isipan niya lalo at sa mabilis na panahon ay nagawa niyang ibigay rito ang sarili niya. Bagay na hindi niya nagawang ipagkatiwala sa mismong nobyo niya.

Sa bus nakabawi siya ng tulog dahil narin sa haba ng byahe. Sa bus terminal sa Maynila sumakay ulit siya ng bus na maghahatid naman sa kanya sa Laguna. Kauupo palang niya ay tamang tumunog nanaman ang cellphone niya. Nagbuntong hininga siya saka pinigil ang sariling sagutin iyon. Si Ronnie ang tumatawag.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon