Part 20

570 21 0
                                    

"ANONG nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" ang magkasunod na tanong sa kanya ni Ronnie.

Kanina habang nasa byahe sila ay hindi niya kayang ipaliwanag ang tindi ng kabang nararamdaman niya. Pero ngayong nasa tapat na sila ng malaking bahay nina Ronnie sa bayan mismo ng Caringlan ay may palagay siyang parang ibig namang kumawala ng puso niya sa lakas ng kabog niyon.

"Normal lang naman siguro ang kabahan hindi ba?" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa sa kagustuhan niyang walain nang kahit kaunti lang ang nerbyos sa kanyang dibdib.

Nakakaunawa ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ronnie. "Huwag kang mag-alala, gaya ng mga kaibigan ko sigurado akong they'll love you" paniniyak nito.

Tumango siya saka huminga ng magkakasunod. "Sana nga" aniya.

Maganda ang ngiting sinalubong sila ng mga magulang ni Ronnie. Ang ina ng binata na si Tita Ramona ang lantarang nagpakita ng pagkagiliw sa kanya habang ang ama naman nitong si Nestor ay ganoon rin pero dahil nga lalaki ay mas magaling itong magpigil.Hapon nang yayain siya ni Ronnie kung saan. At dahil nga Valentine's Day iyon at sila ang magka-date ay nagpaalam ang binata sa ina nito na sa labas na sila kakain.

"Bakit mo ako dinala dito?" nang mapuna ang entrance ng memorial park ay nagsimulang kutuban si Savannah.

Nakangiting kumindat sa kanya si Ronnie bago sumagot. "You will know later" anito.

Sa tapat ng isang magandang mosuleo itinigil ni Ronnie ang sasakyan. Hindi parin nagbabago ang kabog ng dibdib niya. Lalong nagtumindi ang kaba sa dibdib niya nang akayin siya ng binata palapit sa mosuleo. Nanlamig ang buong katawan niya nang makalapit sa puntod ay malinaw niyang nabasa ang pangalang nakaukit sa lapida. Victoria Carreon.

"B-Bakit tayo nandito?" ang lito pero nasasaktan niyang tanong.

Pakiramdam kasi niya ay dinala siya doon ni Ronnie para may makasama lang ito sa pagdalaw sa yumao nitong nobya. Alam niyang death anniversary rin ni Victoria ang araw na iyon. At iyon ang isa pang dahilan kung bakit hindi niya mapigilan ang masaktan.

Oo tama, nasasaktan siya. Dahil mahal niya si Ronnie. At iyon ang dahilan kung bakit kagaya narin ng sinasabi sa kanya ni Cristy ay wala siyang kakayahang tanggihan ang binata sa lahat ng hilingin at gustuhin nito. Ang pakiramdam na safe siya kapag nasa paligid ang binata. At higit sa lahat, ang dahilan ng bawat ngiti niya at kung papaanong agad na nawala ang bitterness niya sa naging ending ng kwento nila ni Julius.

"Death anniversary niya ngayon, natatandaan mo iyong kwento ko sayo?" ang binatang nilingon siya ng nakangiti.

Sa ganda ng ngiting iyon ay iglap na nahugasan ang selos na nararamdaman niya. "Oo, bakit?"

Noon maingat na hinawakan ni Ronnie ang kamay niya saka iyon hinalikan. Habang nanatili lang silang nakatitig sa isa't-isa, unti-unti ay nagbago ang dahilan ng malalakas na kabog ng dibdib niya. "Sinabi ko noon kay Victoria na I will always love her" simula nito. "sa loob ng limang taon nagawa kong tuparin ang pangakong iyon. Maraming babae oo, pero hindi nila siya nagawang palitan dito sa puso ko. Hindi rin nila ako nagawang ibalik sa dating ako."

"Pero nagbago ang lahat ng iyon mula nang makilala kita. Suddenly naramdaman ko ulit iyong feeling na I wanted to protect and take good care of someone. Nung una kitang nakita sa loob ng fast food napansin ko agad ang lungkot sa mga mata mo. Doon palang naisip ko na agad, kailangan mauna akong ngumiti para maturuan kita kung paano gawin iyon."

"R-Ron?" ang tanging nasabi niya makalipas ang ilang sandali.

"Alam ko magiging masaya na siya ngayon" ang binatang nilingon ang puntod ng yumao nitong nobya. "kasi sa wakas hindi na ako mabubuhay lang sa nakaraan. May dahilan na ako to move forward, at iyon ay walang iba kundi ikaw, Vannah" si Ronnie sa malamyos nitong tinig saka ikinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha. "mahal na mahal kita. At iyon ang totoong dahilan kung bakit ayaw kitang mawala at gusto kitang pakasalan. Kasi gusto kong tumanda kasama ka."

At tuluyan na nga siyang napaluha sa rebelasyong iyon. "R-Ronnie" aniyang hindi napigilan ang likidong bumasa ng husto sa kanyang mga pisngi.

"Ang lahat ay lumugar sa mga dapat nilang lugaran simula nang dumating ka sa buhay ko. Tell me, alam kong mahal mo rin ako. Hindi ako assuming pero nararamdaman ko iyon" anitong hinalikan ang ulo niya saka siya muling tinitigan.

Suminghot siya saka tumahan sa pag-iyak bago nagsalita. "Mahal mo ako? Pero tell me, sino si Lara sa buhay mo?"

Malapad na napangiti si Ronnie dahil sa tanong niyang iyon. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap at nang pakawalan ay muling hinaplos ang kanyang mukha. "I told you kaibigan ko siya at kasamahan sa trabaho nung nasa abroad pa ako. Actually ikakasal na siya sa isang taon, engage siya sa mismong boss namin na siyang nag-aalok ng trabaho sakin sa Italy this time" paliwanag sa kanya ng binata.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "Ganoon ba?"

Tumango-tango si Ronnie. "Don't tell me pinagselosan mo si Lara?"

Alanganin siyang napatango. "Ang ganda-ganda nya kasi, bagay na bagay kayo" amin niya.

"Kung alam mo lang siguro kung gaano siya kasaya nang aminin ko sa kanya na gusto kita hindi ka magseselos. At isa pa gusto ko lang malaman mo na para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa lahat kaya hindi mo kailangang ma-insecure at magselos" paniniyak sa kaniya ni Ronnie na nagdulot naman ng pinong kilig sa kanyang dibdib.

"Mahal kita, kahit kalahati lang ng puso mo ang ibigay mo sa akin tatanggapin ko, kasi kaya kong gumawa ng paraan kung paano ito mabubuo" sa puntong iyon ay muling nagseryoso si Ronnie kaya naman humaplos ang hindi maipaliwanag na kaligayahan sa puso niya dahil sa sinabi nito.

"I love you too, ngayon naniniwala na ako na ang totoong pagmamahal hindi nangangailangan ng mahabang panahon. Kasi ang dalawang taong itinakda para sa isa't-isa sa unang pagkikita palang parang matagal nang magkakilala. At ganoon ang nangyari satin, laging parang may invisible thread na nanatiling naka-attach sa mga puso natin kaya sa kabila ng lahat hindi naging mahirap sa akin ang mahalin ka" ang mahaba niyang paliwanag sa totoong nararamdaman niya para sa binata.

Wala siyang narinig na anumang salita galing kay Ronnie, sa halip ay nangingislap ang mga mata habang maganda ang pagkakangiti siya nitong mahigpit na niyakap. Ilang sandali nanatiling nakalapat lang ang pisngi niya sa dibdib ng binata. Dinig niya ang malakas na pintig ng puso nito.

"So I guess tayo na? Officially eh girlfriend na kita?" ang binata mula sa kanyang ulunan.

Napahagikhik doon si Savannah saka inilayo ang sarili sa kayakap. "Ano sa tingin mo?" ang nanunukso niyang tanong-sagot.

Tumawa ng mahina si Ronnie saka naglalambing na idinikit ang noo nito sa kaniya. "Ang first date natin ang siya ring una nating date bilang tayo. Sobrang memorable naman pala ng araw na ito?"

Tumango-tango siya. "Gusto ko ring malaman mo na pumapayag na akong magpakasal sa'yo."

Nakita niyang nasorpresa ng husto si Ronnie sa sinabi niyang iyon. "Really? Tama ba ang narinig ko?"

"Yeah, kita mo, hindi mo na ako kinailangang tanungin pa ulit hindi ba? Kasi tama na sa akin iyong unang beses na inalok mo ako. Ganoon rin ang pagmamahal mo, kahit hindi mo ako sabihan ng I love you everyday, tama na sa akin na nararamdaman ko at nakikita ito sa mga ngiti mo" paliwanag niya.

"You made me very happy; I promise you na wala kang pagsisisihan. Aalagaan kita at hindi kita pababayaan, pangako iyan."

"Alam ko, hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa kasi sa puso ko matagal na kitang kilala Ronnie. Kaya ko nga nagawang ibigay ang sarili ko sa iyo ng paulit-ulit hindi ba? Kasi sayo lang ako totoong naniniwala."

Sa sinabi niyang iyon ay walang anumang salitang inangkin ni Ronnie ang mga labi niya. Hinalikan siya nito ng buong init at pagmamahal na tinugon rin naman niya in equal fire. Masayang-masaya siya, at hindi pa man ay parang nakikita na niya kung gaano kaaliwalas at kaliwanag ang kinabukasan niya kasama ang binata at ang mga magiging anak nila.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon