Part 19

532 25 0
                                    

"L-LENNIE?" ang hindi makapaniwalang bulalas ni Savannah nang makilala ang babaeng itinawag ng guard na nasa entrada ng department nila na naghahanap sa kanya.

Alanganin ang ngiting pumunit sa mga labi ni Lenie saka naupo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. "May gusto sana akong ipakiusap sayo" anito sa mababang tono.

Sandali niyang pinagmasdan ang babae. Malaki na ang tiyan nito pero nakapagtatakang wala kahit kaunting kurot ng sakit sa dibdib siyang naramdaman. Siguro nga moved on na siya kay Julius. "Sige, tutal twelve narin naman, pag-usapan natin iyan over lunch" aniyang ginantihan ng matamis na ngiti si Lenie.

Sa canteen ng building na iyon pinili ni Savannah ang isang pandalawahang mesa para sa kanila ni Lenie. Kasi-serve lang ng order nila nang buksan ng babae ang pakay nito.

"I'm sorry pero hindi madali ang gusto mong mangyari Lenie" aniyang sumubo ng pagkain pagkatapos.

Narinig niya ang banayad na buntong hiningang pinakawalan ni Lenie. "Ganito naman ang inasahan ko, pero sana pag-isipan mo. Iniisip ko kasi na kung sakaling, baka sa'yo makinig siya. Baka sakaling panagutan niya ako" paliwanag nito.

Tumango siya. "I understand, pero hangga't maaari ayaw ko na siyang makita" pagsasabi niya ng totoo.

"Mahal mo pa ba siya?" naramdaman niya ang selos sa tono ni Lenie at naawa siyang lalo para rito.

Umiling siya. "No, hindi iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makita. Alisin mo iyon sa isip mo dahil hindi iyon makabubuti sa kalagayan mo ngayon" totoong concern ang nararamdaman niya para sa babae. Iyon ay sa kabila ng katotohanang ito ang dahilan kung bakit sila nagkasiraan ni Julius. "ang totoo masaya na ako ngayon, and I only wish na ganoon rin ang mangyari sayo" sincere niyang sabi.

Nakita niyang nangilid ang luha sa mga mata ni Lenie, at hindi nagtagal ay kumawala narin ang mga iyon. "I'm sorry sa ginawa ko. You know hindi ako masamang babae, at kung nalaman ko lang siguro agad na commited sayo si Julius, siguradong hindi ko magagawa ang patulan siya. Hindi rin sana nangyari sa akin ang ganito" anitong umiiyak.

"Alam ko, sa simula palang alam kong mabuti kang tao kaya siguro hindi ako nagalit sayo kahit minsan. Kasi lagi kong inilalagay ang sarili ko sa katayuan mo kaya naiintindihan kita" aniyang ginagap ang isang kamay ni Lenie saka pinisil.

Suminghot si Lenie saka nakangiting muling nagsalita. "After all excited akong makita ang magiging anak ko. Pero hindi ko pa kasi nasasabi ang tungkol rito sa mga magulang ko. Natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon nila" nasa tono ni Lenie ang huling sinabi.

"Naiintindihan kita, pero sa tingin ko with your parents wala kang dapat na ikatakot. Sa simula normal na sa kanila ang magalit at sumama ang loob. But in the end sila parin ang yayakap at maninindigan para sa'yo" paliwanag niya kay Lenie.

SAKAY na siya ng taxi pauwi ay laman parin ng isipan niya ang huling sinabi sa kanya ni Savannah habang kumakain sila. At masasabi niya ngayon lang siya parang natauhan at nagkaroon ng tamang kaisipan kung ano ba ang dapat at mas tama niyang gawin.

"Manong idiretso na po ninyo sa address na ito" aniyang sinabi ang address ng kanyang tinutuluyang apartment.

Ang totoo ay may usapan sila ni Julius na magkikita. Ibabalita lang niya rito kung ano ang naging usapan nila ni Savannah. Pero dahil narin mismo sa dalaga ay agad nang nagbago ang isipan niya. At bigla ay nagkaroon siya ng sapat na lakas ng loob para ipagtapat ang totoo sa mga magulang niya.

Ayoko nang maghabol sa'yo Julius. Maninindigan ako sa sarili ko at hindi na kita pakekealaman pa. Ang desididong bulong niya sa sarili saka marahang hinaplos ang kaniyang tiyan.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon